Rhea Tan ipinakilala ang BlancPro kasama si Marian Rivera
Dahil sa tagumpay ng premium beauty and wellness brand na Beautéderm, ipinakilala sa media at merkado ng President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan ang bago niyang kompanya na BlancPro. Bagong player sa beauty industry, ang BlancPro ay sub-brand/affiliate ng Beautéderm at ito ay nag o-offer ng epektibong skincare products sa mababang halaga na mabibili ng masa. Layunin nito na tulungan ang consumers na mapanatili at ma-improve ang “glow” nila na mayroong tagline na “Glow Like A Pro.” Naganap ang media launch noong June 29 sa Luxent Hotel sa Quezon City na sinuportahan ng showbiz media at bloggers. “BlancPro is tailored to cater to consumers who seek effective yet budget-friendly skincare products. What sets BlancPro apart is its use of quality ingredients, carefully formulated to suit all skin types,” saad ni Anicoche-Tan. Ipinaliwanag ng respetadong negosyante ang commitment ng BlancPro sa inclusivity, simplicity, at affordability. Dito sa bagong empire ni Tan, mayroong mga produkto