Si Francine Garcia daw ang gustong makasama ni Seth Fedelin

Kung may isang babae daw na gustong makasama ang aktor na si Seth Fedelin ay walang iba daw yun kung hindi ang ka-loveteam niyang si Francine Diaz. Ayon nga ka'y Seth sa ginanap na media launch and storycon ng pelikulang " She Who Must Be Named " na ginanap sa Common Ground Coworking Space at Rockwell, 21st Floor, Plaza Drive, Rockwell Center, Makati 1200 Metro Manila. " Sinubok na kami ng maraming panahon, sinubok na kami ng maraming problema." " Pero hanggang ngayon, gaya ng sinabi ko dati, nakikita ko at gusto kong makasama in the future si Francine. " " Siguro naman ay mapatunayan ko ngayon na kami pa rin ang magkasama,” Dagdag pa nito " Mas mature na yung relationship namin at hindi na kami 16 or 17 years old." " Nandito na kami sa punto ng buhay namin na nagsisimula na kami para sa real face ng buhay namin. Kumbaga, unang hakbang ng aming pupuntahan. " " Na-excite din po kami sa pupuntahan ng relasyon namin,...