Purple Hearts Foundation Naghatid ng Saya sa Year-End Gift-Giving Outreach para sa mga Karatig-Barangay
Matagumpay na isinagawa ng Purple Hearts Foundation ang kanilang year-end outreach program na pinamagatang “Purple Hearts Foundation Gives Back” sa Kryzl Farmland, kung saan 150 kabahayan mula sa mga kalapit na barangay ang nabiyayaan ng tulong, saya, at makabuluhang samahan. Bawat kabahayan ay kinatawan ng buong pamilya—mga magulang at anak—bilang pagpapakita ng paniniwala ng Foundation na ang tunay na diwa ng pagbibigay ay mas nararamdaman kapag magkakasama ang pamilya. Nagsimula ang programa bandang 10:00 ng umaga at nagtapos ng 1:00 ng hapon, na isinagawa nang maayos at may malasakit sa bawat dumalo. Ang programa ay pinangunahan nina Love Kryzl at ng kanyang mga kapatid, na personal na nagplano at lumahok sa gift-giving, mga laro, at salu-salo. Bilang pasasalamat sa patuloy na biyayang kanilang natatanggap sa pamamagitan ng Purple Hearts Supplement Products, pinili nilang ibahagi ang tagumpay sa komunidad sa isang personal at taos-pusong paraan. Bilang bahagi ng outreach, tumangga...