Buhay ni Dindo Caraig pang Magpakailanman!

   

Pang Magpakailanman ang buhay ng singer na si Dindo Caraig na mula probinsiya ay lumuwas ito ng manila na walang kakilala o kamag anak  para makipagsapalaran bitbit ang lakas ng loob.

At ng nasa Manila ay iba't ibang trabaho ang pinasok nito mula sa pagiging boy, pag aalaga ng bata, namasukan sa SPA, nag extra sa telebisyon at pelikula atbp.

At kahit mahirap daw ang naranasang buhay sa Manila ay hindi sumuko si Dindo hangang makilala nito ang Businesswoman, Talent Manager at founder ng Team Abot Kamay  Foundation na si Mommy Merly Peregrino at inalok siyang pag aaralin  at patitirahin sa kanilang tahanan.


Ayon nga ka'y Dindo sa kanyang contract signing bilang recording artist na ginanap sa Gerrys Grill, Panay ave. Quezon City Kamakailan " Grabe! Araw-araw, gabi-gabi, tinatanong ko sa sarili ko kung bakit nangyayari ito sa akin, 'yung mga magagandang nangyayari sa akin ngayon. Dati, ang gusto ko lang ay mag-focus sa pag-arte, pero ngayon, isa na rin akong singer," 

"Ako po kasi nakikitira lang sa dati kong ka-trabaho. Nag-aalaga po ako ng bata. Tapos noong nagpunta nga po ako sa burol, sabi sa akin ni tita Merly, ‘Gusto mo pag-aralin kita? Rito ka na lang  tumira.’ Nagulat po ako dahil kakakilala lang niya sa akin, tapos ganoon agad ang sasabihin niya sa akin.  Doon na po nagsimula ang lahat,"

" Tsaka sino naman ako para tumanggi eh wala naman ako talagang matitirahan at gusto ko rin namang mag aral, "


" At ngayon nga binigyan niya ako ng pagkakataong maging recording artist at magbibida na rin sa pelikula, samantalang dati nag eextra lang ako, hindi na pumasok sa isipan ko na mangyayari ito sa buhay ko, kaya salamat talaga kay Mommy Merly at sa  TeamAbot Kamay Foundation. "

Ngayon nga ay magiging abala si Dindo sa promotion sa radio, mall at TV ng kanyang first single na " Ikaw at Ako " na gawa ng awardwinning composer na si Michael De Lara na siya ding nag compose ng hit single ng Pinay International Singer na si Jos Garcia na " Ikaw a ang Iibigin Ko. "

Bukod nga sa nasabing single ay nakatakda din itong mag bida sa isang pelikula kung saan makakasama niya ang ilan sa mga bigating artista sa bansa.











Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "