Clark Samartino na depress, na stress at na trauma sa dating manager



Trauma, Stress at Depression daw ang inabot na pamangkin ng aktor na si Loyd Samartino na si Clark Samartino sa kanyang dating manager.

Ayon sa aktor akala daw niya at mapapabuti ang kanyang career sa pag lipat niya manager, pero mas worst pa raw ang kanyang nalipatan, halos kinontrol na daw nito ang kanyang buhay.

Maraming relasyon daw ang nasira at naapektuhan sa sobrang makikialaam sa kanyang personal na buhay, nag hiwalay daw sila ng kanyang girlfriend dahil ipinagbabawal ito ng kanyang manager, inilayo siya nito sa kanyang mga anak at maging sa kanyang pamilya at mga kaibigan.


Ni di nga daw nito magawang lumabas mag isa dahil hindi siya pinapayagan, kaya feeling niya nung mga sandaling iyon ay daig pa niya ang nakakulong. Kaya naman dito na daw nag simulang ma depress siya, ma stress at ma trauma.

At maging ang bayad daw na ipinangako sa kanya ng kanyang dating manager at hindi binigay sa kanya, maging ang mga ipinangako nito ng kunin siya ay walang natupad.

Matagal na daw niyang gustong umalis sa kanyang manager pero tinatakot siya nito na sisiraan, pero kalaunan ay nag lakas loob na lang ito at nagpaalam na sa kanyang manager na aalis na siya sa poder nito.


Ngayon daw ay nasa pangangalaga na ito ng apat na OFW na tutulungan siyang matupad ang kanyang pangarap sa showbiz, kung saan nakatakda na daw nitong umpisahan ang isang pelikula sa tulong si Direk Ryan Mauel Favis.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "