Joshua at Jodi pinuri sa husay sa Unbreak My Heart!


Pinuri ng nakapanood ng Unbreak My Heart Celebrity Watch Party ang husay sa pag ganap ng awardwinning actors na sina Joshua Garcia at Jodi Sta Maria.

Bawat eksena ng dalawa ay pinapalakpakan ng mga mga tao sa loob ng sineha. At ng matapos nga ang palabas ay marami ang nag congratulate sa dalawa na lutang na lutang ang husay sa pag ganap sa kani-kanilang role na ginampanan.


Maituturing na starstudded ang nasabing Unbreak My Heart Celebrity Watch Party sa pagdalo ng mga Kapuso stars kaysa Kapamilya stars na ginanap sa Trinoma nitong nakaraang araw.


Ilan sa dumalo sina Coco Martin, Alden Richards, Andrea Brillantes, Julia Montes, John Arcilla, Darren Espanto, Jake Ejercito, Angel Aquino, Alexa Ilacad, Nikki Valdez, Eula Valdez, Sunshine Cruz, Romenick Sarmenta, Victor Neri, Ashley Ortega, Dominic Roque, Abed Green, Sanya Lopez,Elijah Allejo, Kalad Karen, Betong Sumaya, Julio Diaz, Herlene Budol, Will Ashley atbp.

   
Ito ang kauna-unahang  collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu streaming app.

Present ang lead cast ng UMH na sina Richard Yap, Jodi Santamaria, Gabbi Garcia, at Joshua Garcia. 


Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "