Joshua Garcia thankful sa GMA, ABS CBN at Viu sa pagkakasama sa Unbreak My Heart!



Very thankful daw ang mahusay at awardwinning actor na si Joshua Garcia dahila nakasama siya sa 
unang collaboration ng ABS-CBN at GMA 7 para sa isang teleserye ng VIU, ang Unbreak My Heart kasama sina  Jodi Sta Maria, Gabbi Garcia at Richard Yap. 

At isa nga sa katrabaho nito sa nasabing serye ang kapuso artist na si Gabbi Garcia, kung saan natong ito kung kamag-anak nito ang aktres dahil pareho sila ng apelyido.

Ayon nga kay Joshua "Hindi, kasi Lopez talaga ang apelyido niya. Ang weird naman kung Gabriela Lopez ang gagamitin niya.  Kaya Gabbi Garcia na lang daw ang ginamit nya," 


Natanong din ito tungkol sa pagkakaiba ng  kissing scene nila ni Jodi at ni  Gabbi sa series.

"Magkaiba ‘yung atake sa dalawa. With Jodi mas passionate, mas mabagal at mas ramdam, "

"With Gabbi naman,  passionate din naman pero ‘yung tugma naman sa edad namin pero may diin ng kaunti,"

Sinagot din nito ang tanong sa kung ano ba ang  reaksiyon nito sa balitang tumawag si Gabbi kay Julia Barretto para magpaalam na magkakatrabaho sila ng binata at ang napapabalitang pagpapakasal daw nina Julia at Gerald Anderson.

"Napanood at nakita  ko ‘yun, hindi ko alam ‘yung napag-usapan nila. It’s between them," 

"Hindi ko alam, bago sa akin ‘yan at ngayon ko lang narinig, pero kung saan sila masaya, support ako roon. Medyo matagal-tagal na rin kaming ‘di nagkakausap ni Julia dahil busy na kami sa kanya-kanya naming project. Pero kung may opportunity na magkatrabaho uli kami. Why not! "

Mapapanood ang UMH simula May 29 sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., Lunes-Biyernes, 11:25 p.m. sa GTV, at available rin ito sa GMA Pinoy TV at TFC. Ii-stream din ito 48 hours bago ang TV broadcast sa Pilipinas sa GMANetwork.com at iWantTFC at sa 16 territories sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng Viu simula Mayo 27.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "