Korean Superstar na si Lee Seung Gi gagawa ng kanta para sa kanyang mga Filipino fans

 

Dumating sa Bansa ang Korean Superstar na si Lee Seung Gi para makipag meeting sa Business Magnate na si Gov. Chavit Singson  para sa proyektong gagawin nito sa Bansa.

 

Si Lee Seung-gi ang lead star sa mga hit Korean series na “Vagabond”, “A Korean Odyssey,” “My Girlfriend is a Gumiho,” “Mouse”, “The King 2 Hearts” atbp. Kung saan bukod sa pagiging magaling na actor ay isa rin itong singer-performer sa South Korea with successful concerts at soldout album.


Ilan nga sa kanyang mga chart-breaking songs ay ang “Delete,” “Losing My Mind,” “Will You Marry Me,” at ang kanyang debut single na “Because You’re My Woman,” composed by South Korean singer-songwriter-record producer na si Psy.

Kilala rin kasi si Seung-gi bilang  philanthropist dahil sa ginagawa niyang pagtulong sa mga disabled at kapus-palad na mga bata.

Sa mini-presscon nga nito na ginanap sa Platinum Skies Aviation Hangar last  May 26,sinabi nito na pag uusapan pa nila ni Gov. Chavit ang proyektong kanyang gagawin sa Bansa.


 

Ayon pa kay Lee Seung-Gi nag enjoy siya sa pamamasyal sa balwarte ng mabait at generous na Governor sa Ilocos, at hindi lang daw ang magagandang lugar sa Ilocos ang na enjoy nito dahil maging ang mga pagkain dito ay nagustuhan din ng sikat na singer and actor.

 “I visited Vigan and I found it a beautiful city. Someday we would like to film a series there.”

 

“I was here for travel the last time and I really liked it. I was surprised that a lot of Filipinos recognized me, and I really enjoyed that moment,”

 


Ang muling pag bisita nito ang pangalawang pagkakataon na nag meet sila ni Gov.Chavit Singson, “It’s only our second time to meet but we are looking forward to more Philippine projects together.”

 

“If there’s a chance, I’m keen to maybe release a song in Filipino. I really think if we can create Korean shows in the Philippines, it’s gonna be awesome.”

 

Kuwento naman ni Gov. Chavit Singson tungkol sa kanilang partnership na may kaugnayan sa pagpapatayo ng Little Seoul Entertainment Complex sa Pasig City.

Ang magiging bahagi daw ng itatayong complex ay ilalaan para sa pagsasanay ng mga Filipino talents. “Magtatayo kami ng Little Seoul dito sa Metro Manila, mga buildings, mga centers. Do’n sa Metrowalk. Parang little Korea pero tatawagin nating Little Seoul.

 


“Mag-uumpisa pa lang. Baka abutin ‘yon ng two to three years. Ito ipa-finalize na. Hopefully magkapirmahan na pagpunta dito kasama ng mga kasama niyang investors,” sabi pa ng dating gobernador.

 

Isa pa sa mga possible projects na naiisip ni Singson para kay Lee ay ang pagpo-produce ng pelikula para sa Korean star at magkaroon din ng musical career dito sa Pilipinas.

 

 

 

 

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "

Philippine’s “Trans Dual Diva” Sephy Francisco This Is Me Sephy concert sa January 26 na!