Merly Peregrino sinagot ang mga paratang ng dating alaga



Nadamay ang aktres na si Keanna Reeves sa isyu ng pamangkin ni Loyd Samartino na si Clark Samartino sa businesswoman talent manager at founder ng Abot Kamay Charities na si Merly Peregnio.

Kung saan sinagot isa isa ni Mommy Merly ang mga rebelasyon ng kanyang dating alagang si Clark Samartino kung bakit ito umalis sa kanyang poder.

Ayon kay Mommy Merly yung  patungkol sa sinasabi ni Clark na nasakal siya at nawalan na ng sariling desisyon para sa kanyang sarili ' Eto ha! unang una hindi ko siya kialala, may nagpakilala lang sa akin na gusto daw patulong sa akin, nag chat siya sa akin at sabi ko kung gusto mong mag patulong sa akin pumunta ka ng May 14, tandang tanda ko dahil pumunta di Sachzna ( Laparan ) at Jerome ( Ponce ) sa bahay at dumating siya at nagpakilala siya, "

" Ang kuwento niya sa akin, sana daw natulungan ko siya sa pangarap niyang naudlot, kaya tanong ko sa kanya baki? sabi niya unang- una ang dami niya daw naging manager pinagsamantalahan lang daw siya at pinerahan, at hindi daw siya binibigyan kahit piso yun ang sabi niya, "

" At nung nagkaroon daw sila ng relasyon ni Keanna Reeves akala niya matutupag ang kanyang pangarap, which nagkamali nanaman daw siya dahil nasakal na sakal na daw to  siya, to the point na pati daw magulang niya ayaw ipakiusap sa kanya, same scenario to the point na magulang niya, kapatid niya ayaw ipakiusap sa kanya, kaya tumakas daw siya na ang dala niya ay konting damit niya at yung ibang damit niya ay iniwan niya kay Keanna, "


" Sabi pa niya na pinagselosan siya ni Keanna sa isang fan, kaya galit na galit si Keanna at inaway na siya, ang dami na niyang sinabi at ayon daw kaya napilitan na siyang tumakas at tinanggal niyang lahat ang kanyang social media accounts as in talagang nag tago siya para maiwasan niya si Keanna Reeves, siyempre ayon sa kuwento niya naniwala alo,"

" Eh ako naman si tanga, pusong mamon naniwala ako maawain at nung tapos na yung shooting ng pelikula sabi ni Direk Ryan Favis magkaroon kayo dapat ng kontrata at si Direk Ryan ang nagbigay ng sample ng kontrata, sabi ko nga pipirma ka ba ng kontrata sabi niya oo pipirmahan ko yan at hindi ko siya pinilit, walang sapilitan ito, maganda naman sa isang artist na may kontrata talaga, kaya nagkaroon kami ng pirmanhan, "


" At ng tapos na ang pirmahan nagtapat siya kay Direk Ryan ng estado niya na sinabi na Direk ako ay hindi na binata at ako po ay may dalawang anak at ako po ay may girl na ang sabi niya sa akin ay pinakasal siya ng nanay niya at magulang nung babae na ang nag konsinte sa kanya ay yung nanay niya ng mawala siya sa poder ni Keanna at nagkabalikan sila nung girl, pero wala pa siya kay Keanna ay anak na niya yung panganay at nadagdagan  na lang nung nagkabalikan sila ning girl kaya may maliit siyang anak na dati itinatanggi niya, "

" Kaya sabi ko bakit ngayon mo lang sinabi, paano kita ipapakilala, halaga namang ipapakilala kita na may dalawa kang anak, tapos yung ibi build ko ko may anak ganito, siyempre kailanga yung ibi build up ko binata pata tangkilin, sabi niya okey lang tita, walang problema po yun naman ang kailangan itago, dahil alam naman natin yung mga fans kapag meron ng ganyan ayaw at agree siya dun, tapos ngayon sasabihin niya ako yung nag tago, same scenario sakal! ganyan din ang kuwento niya sa akin kay Keanna, kaya Clark mag bago ka kung gusto mong mabago ang buhay mo at para makamit mo ang pangarap mo lumingon ka naman kahit papano sa pinanggalingan mo at tumanaw ka ng utang na loob, "


Sinagot din nito ang tanong na hindi daw nito binayaran si Clark sa pelikulang ginawa ng actor.

" Sa tingin mo kaya kong gawin yan?, alam mo na hindi ako marunong mag agrabyado ng tao, ako po ay nagkaroon ng charity foundation dahil gusto kong tumulong,

" Hindi ako nagtayo ng charity foundation para mang agrabyado ng mga tao, kaya kung ako ay gusto niyang siraan pagkatapos ng ginawa ko sa kanya ang diyos na ang bahala, siguro naman hindi natutulog ang diyos, puwede ka mag sinungaling sa tao, pero hindi sa diyos dahil alam niya ang totoo,  at iniisip mo pa lang na masama laban da kapwa mo alam yan ng diyos, "

' Sige siraan mo ako hangang gusto mo, dahil karapatan mo yan sariling bibig mo yan, hindi ko naman siya puwedeng pag sabihan ng mga paninira sa akin dahil  sariling bibig niya yan, pero nananalig ako na may diyos na hindi natutulog at alam ang buong katotohanan, "


" At yung sinasabi niyang hindi siya bayad sa pelikulang ginawa niya ,yung 30 thousand na binayad ko sa kanya... kulang pa ba para sa katulad ng baguhan na sinugalan ko para magkapelikula dahil isa yun sa pangarap niya, may ebidensiya ako kaya wag niyang sabihin di siya bayad, dahil bayad siya."

Hindi daw totoong siya ang dahilan kaya kamuntik-muntikan ng mamatay si Clark dahil sa depresion at Stress.

" Hindi totoo yan, alam niyo ito ang sasabihin ko sa inyo ha dahil yan sa bisyo niya,gabi gabi mag uumpisang mang inom yan, alas dose minsan alas diyes at inaabot ng alas otso ng umaga, hanggat hindi siya langong-lango sa alak hindi yan titigil, yung mga hi di ko naratig naratinf niya para mag hanap ng alak  sa gabi, minsan kapag sarado na talaga nagpapa grab yan ng alak at sinasabayan niya ng online casino,ako nga nagtataka dahil kahit nung wala pa siya sa akin panay na ang utang niya, tita pahiram nga ng ganito at ang pinakahuli nga niya yung 1 thousand eight hundred dahil kailangang kailangan niya pero hindi ko pa siya masyadong kilala noon nagtitiwala na ako sa kanya sa pera at yan mamatay na ang nagsisinungaling sa amin. "


At ipinapasa diyos na lang daw ni Mommy Merly ang mga taong pilit siyang sinisiraan at ibinabagsak, aminado ito na nasaktan siya at umiyak, pero alam daw nito na hindi natutulog ang diyos at alam nito ang buong katotohanan.

Masaya na daw ito dahil may alaga siyang loyal at hindi siya iniwan sa katauhan ng singer and  actor na si Dindo Caraig na kanya namang tutukan at aalagaan.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "