TVJ’s OFFICIAL STATEMENT


“Pumasok  po kaming Lahat  ngayong araw para magtrabaho pero hindi po kami pinayagang ng new management na umere ng live 

July 30, 1979 po, nang simulan namin ang Eat Bulaga, 44 years na po ito ngayong taon.

Kaya naman lubos ang aming pasasalamat sa mga naging tahanan namin- ang RPN 9 for 9 years, ABS CBN for 6 years at ang GMA for 28 years.
 
Salamat din sa lahat ng advertisers mula 1979 na nagmahal, nagtiwala at sumuporta sa amin,

Ganoon din sa inyo mga dabarkads-sa mga  manonood-sa inyong pagmamahal sa programang naging bahagi ng inyong tanghalian.  

Lubos din ang aming pasasalamat kay Mr. Tony Tuviera sa pagkakaibigan at pagiging bahagi ng aming pamilya, at higit sa lahat sa panginoong diyos na kahit kailan hindi niya kami pinabayaan.

Hindi na po namin iisa isahin pa ang laman ng aming puso.

Ang hangad lang po namin ay makapagtrabaho ng mapayapa, walang inaagrabyado, at may respeto sa bawat isa.

Simula ngayong araw, May 31,2023 kami po ay nagpapaalam na sa Tape Incorporated.

Karangalan po namin na kami'y nakapaghatod ng tuwa't saya mula Batanes hangang Jolo at naging bahagi ng buhay niyo

Maraming salamat po sa inyong lahat. Hangang sa muli...

Saan man kami dalhin ng tadhana, tuloy ang isang libo't isang tuwa. '

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "