Wilbert Tolentino may hiling sa kanyang 48th Birthday

 



Starstudded ang katatapos na 48th Birthday Celebration ng Philanthropist, Talent manager, Influencer at successful businessman na si Wilbert Tolentino na ginanap sa Palacio de Manila nu’ng May 18, 2023.

Ilan sa nakita naming dumalo sa engrandeng selebrasyon ng kaarawan ni Ka-freshness Wilbert sina 
Ima Castro, Herlene Nicole Budol, Flow-G, Matricamae Centino, Kristine T. Ibardolaza,Skusta Clee,
Whamos cruz, Christian Antolin,Sheryn Regis,Dj Janna Chu Chu ng barangay LsFm, Ogie Diaz, Negi, Derick Monasterio, Sachzna Laparan, Myrus, Madam Inutz, Wize Estabillo, Klinton Start atbp.


Nakapukaw ng atensiyon sa mga dumalo ang napakagandang kasuotan ni Wilbert na ayon dito ay may temang futuristic.

Inakala nga ng marami na Voltes V inspired ang kasuotan ni Wildres na mariin naman nitong pinabulaanan.


“Hindi naman talaga plan na maging Voltes V inspired pero nagustuhan ko ang design kaya ito ang una kong sinuot bilang birthday ko naman ngayon. May mga changes pa akong gagawin kaya pakiabangan,” 

“Hindi dapat ako magse-celebrate pero kasi ‘yung mga staff ko naghanda. Sina Kendal( Fabroa ) at Mama Genesis ( Gallios ) kaya ayun ginawa ko na rin itong opportunity para nakapagpasalamat at para maka-inspire,”

Hindi daw material na bagay ang gustong nitong iregalo sa kanya kung hindi prayers for good  health.


“Prayers para maging malakas pa ako at mas marami pa ang matulungan.

“Ito lang naman ang core values ko, ang commitment, honesty, loyalty at dedication,” 

Sobrang saya ng naging selebrasyon ng kaarawan nito kung saan dumalo ang halos lahat ng kanyang malalapit na kaibigan,business partners at mga mahal sa buhay sa pangunguna ng kanyang pinakamamahal na anak na si Willard King Tolentino. 





Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "