Cristi Fider nakagawa ng kanta tungkol sa mga pekeng kaibigan

  

Magaganda ang mga songs p8ng mahusay na singer and composer na si Cristi Fider at isa sa nakapukaw ng aming attention during Manic Mediacon na ginanap sa Music Box, Timog Quezon City ang isa sa kanyang awitin na may titulong " Fake ".

Ang nasabing awitin daw ayon mismo sa sariling experience ni Cristi sa kanyang mga naging kaibigan.

Ayon nga sa anak ng Film Producer ja si Mam Edith Fider " Medyo malas ako sa friends. But I’m lucky to have kahit kaunting friends pero para sa mga nawalang friends sa akin, ang revenge ko sa inyo is this Fake song,” .

Dagdag pa nito “Hindi rin maiwasan na kung minsan, i-blame ang sarili ko pero hinahayaan ko na lang sila, basta ako happy ako sa sarili ko,” 

Ibinahagi din nito ang mga  ginawa sa kanya ng kanyang nga fake friends na naging dahilan para mag end na ang kanilang friendship.

“The usual, sisiraan ka, ‘pag kaharap ka ang bait-bait. Ako kasi ‘pag ganu’n, cut na e. Ok lang na patawarin ko but I will nevet forget,” 

Madali daw mag patawad si Cristi pero hinding -hindi niya madaling kalimutan ang hindi magandang ginawa sa kanya. 

Bukod sa kanyang mga songs ay nakatakda din itong makasama sa pelikula ng National Artist at nag iisang Superstar na si Nora Aunor at nang mahusay na aktor at Manila Vice Mayor na si Yul Servo na ididirehe ni  Direk Jay Altarejos at isang Documentary Series na mapapanood naman sa Netflix at ididirehe ni Chris Pablo.





Comments

Popular posts from this blog

Si Francine Garcia daw ang gustong makasama ni Seth Fedelin

Kyle Echarri gustong makatrabaho ni Beauty Queen Marianne Bermundo

Engrande ang Launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc.,