Joshua Garcia di naliligo pag heartbroken!
Very honest ang mahusay at awarwinning actor na si Joshua Garcia na may mga craziest thing siyang ginagawa kapag heartbroken siya.
Ayon nga ka'y Joshua sa ginanap na media conference ng inaabangang teleserye na collaboration ng GMA, ABS CBN at Viu ang Unbreak My Heart na ginanap sa Seda Hotel " Base sa natatandaan ko… nag-pandemic kasi noon eh so ‘yung time na ‘yun, craziest thing is ‘yung feeling ko inaabot ako ng dalawang araw sa computer nang walang liguan. Crazy ‘yun di ba? Walang tayuan,”
" Pero you know meron talaga ganong tao, yung computer ang nakatulong sa akin to escape, pero actually hindi pala siya nakatulong kasi naging escape siya sa nararamdaman ko lahat, doon ko na process lahat, "
Hindi naman tuwirang sinabi ni Joshua kung sino ang babaeng nanakit ng kanyang puso noong mga panahong iyon.
Sa ibang banda masaya daw ang actor na mapasama sa collaboration project ng GMA 7, ABS CBN at Viu at makatrabaho ang ilang Kapuso Stars.
Ang UMH ay pinagbibidahan nina Jodi Sta Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia at Joshua Garcia. Directed by Manny Palo and Dolly Dulu.
Comments
Post a Comment