Tiktok Superstar Berni Batin idolo si Vice Ganda!


Masalimuot ang naging journey ng career ng isa sa Tiktok Superstar  na si Berni Batin bago niya narating ang kasikatan sa online world na tinatamasa niya ngayon.

Kung saan iba't ibang trabaho daw ang pinasok niya para kumita para sa kanya at sa kanyang pamilya.

At ng magpandemic ay tsaka siya nagdesisyon na gumawa ng content sa Tiktok bilang supladang tindera sa sari sari store na nag click at nag pabago ng kanyang buhay.


At ngayon nga ay susubukan naman nito ang mainstream at
Ang Unkabogable na si Vice Ganda ang  inspirasyon ni Berni para maging mahusay na host/ comedian " Ang sobrang idol ko po talaga sa pag arte at pagho host ay si  Vice Ganda,

" Kasi simula ko po siya nakita, sobrang talino niya 
, sobrang bilis mag isip talagang all in package siya, marunong kumanta,marunong sumayaw, marunong umarte, marunong mag patawa, so parang nasa kanya ng lahat, "

" Dream ko nga po na makasama si Vice Ganda sa shows o pelikula, 

" Sanay patuloy pa rin akong samahan ng aking mga followers ang supporters kung saan man ako mapunta, pero ngayon po kasi ngayon po gusto ko pong magkaroon ng show like teleserye o pelikula, "

" Simula pa kasi noon gusto ko na talaga maging artista, kaya naman sobrang saya ko kasi natutupad na unti unti ang pangarap ko, "

At isa nga sa aabangan ngayong taon kay Berni ay ang pag labas ng kanyang kauna-unahang kanta entitled " Utang Mo "  composed by Joven Tan under Star Music.

" Ngayon po ang aabangan sa akin, eto po yung launching ng akinkanta na pinamagatang Utang Mo na mula sa komposisyon ni Joven Tan under Star Music,


" Nakakatuwa nga po kasi pinagkatiwalaan ako ng Star Music na magkaroon ng kanta, kaya nagpapasalamat ako sa kanila. " Pagtatapos Berni.


Comments

Popular posts from this blog

Kpop CCSS Ladies Generation nasa Bansa !

Si Francine Garcia daw ang gustong makasama ni Seth Fedelin

Kyle Echarri gustong makatrabaho ni Beauty Queen Marianne Bermundo