Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, patuloy ang pagtaas ng TV ratings!


Wagi na naman sa TV ratings ang action-comedy series
ng GMA, ang 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis' nitong June 11.

Ayon sa NUTAM People Ratings data, nakapagtala ang second episode nito ng 13.4 percent na higit na mataas sa rating ng pilot episode na 12.3 percent.


Patuloy ang pagsuporta ng Kapuso viewers na linggo-linggong sinusubaybayan ang programa.

"Every Sunday lagi ko pong pinapanood si Senator Bong Revilla sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. Idol na idol ko po kayo Senator Bong Revilla mula noon hanggang ngayon. God bless po."
Hirit naman ng isa pang supporter, "Inaabangan ko lagi 'yan, Idol! Congratulations po, Tolome!" 

Patuloy na subaybayan ang 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis' tuwing Linggo, 7:50 p.m., sa GMA.


Comments

Popular posts from this blog

Si Francine Garcia daw ang gustong makasama ni Seth Fedelin

Kyle Echarri gustong makatrabaho ni Beauty Queen Marianne Bermundo

Engrande ang Launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc.,