Will Ashley di naiwasang kabahan ng makatrabaho ang mga Kapamilya Stars

 


Very thankful ang isa sa Kapuso Teen Prime Artist na si Will Ashley sa pagkakasama nito sa pinakamalaking Teleserye ng GMA, ABS CBN at Viu ang " Unbreak MyHeart " na nag simula ng mapanood sa telebisyon simula noong May 29.

Ayon nga kay Will na isang malaking karangalan sa kanya ang makasama sa UMH at makatrabaho ang ilan sa mahuhusay na actors sa bansa like Jodi Sta Maria at Joshua Garcia.



Noong una nga daw ay medyo kinakabahan si Will lalo na't first time niyang makakatrabaho ang mga Kapamilya artists, pero habang tumatagal daw ang kanilang taping ay unti unti ng nawawala ang kaba niya lalo na't naging pamilya na ang turingan nila sa isa't isa at mababait sa kanya ang lahat ng artistang kasama sa UMH.

Nagpapasalamat nga daw ang batang aktor sa GMA 7 sa pagkakataong makasama siya sa UMH at sa pagbibigay sa kanya ng sunod sunod at magagandang proyekto at gayundin sa Sparkle Artist Center sa magandang pag aalaga sa kanya.






Comments

Popular posts from this blog

Si Francine Garcia daw ang gustong makasama ni Seth Fedelin

Kyle Echarri gustong makatrabaho ni Beauty Queen Marianne Bermundo

Engrande ang Launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc.,