Charo Santos-Concio, Sunshine Dizon, Vince Tañada big winners sa 38th Star Awards for Movies


Maningning at matagumpay ang 38th Star Awards for Movies ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) na ginanap nitong Linggo, Hulyo 16, 2023, sa Centennial Hall ng Manila Hotel.


Nakipag-sanib-pwersa ngayong taon ang PMPC sa Gutierez Celebrities & Media Production na pinamumunuan ni MJ Gutierez para ihatid ang modern Filipiniana theme ng naturang awards night. Kaya naman nakatutuwang pagmasdan ang pagrampa sa red carpet ng celebrities at guests suot ang kanilang magarbong barong at Filipiniana gowns sa pangunguna ng hosts ng gabi ng parangal na nagwagi rin ng special awards - Claudine Barretto (Female Star of the Night), Sunshine Cruz (Face of the Night), Alfred Vargas (Darling of the Press), at Christian Bautista (Male Star of the Night).


Marami sa mga nagwagi ang naging emosyonal at hindi napigilang mapaiyak sa pagtanggap ng kanilang award gaya na lang ni Sunshine Dizon na itinanghal na Movie Actress of the Year para sa pelikulang "Versus." Naka-tie ni Sunshine sa award si Charo Santos-Concio para sa "Kun Maupay Man It Panahon."


Emosyonal din ang special awardees na sina Ms. Helen Gamboa at Direk Chito Roño. Ang anak ni Helen na si MTRCB Chairperson Lala Sotto ay kasama ng PMPC present and past presidents sa pagbibigay sa veteran actress ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award.


Napaiyak naman si Direk Chito sa sorpresang pagdalo ng kanyang mga alagang Streetboys na kinabibilangan nina
Vhong Navarro, Jhong Hilario, Danilo Barrios, Meynard Marcellano, Joey Andres, Christopher Cruz, at Nicko Manalo upang igawad sa kanya ang kauna-unahan niyang lifetime achievement award na Ulirang Alagad Ng Pelikula Sa Likod Ng Kamera. Ayon kay Direk, bihira kasing mabuo at mapagsama sa event ang Streetboys kaya labis niya itong ikinatuwa.


Humakot ng major awards ang pelikulang "Katips" sa pangunguna ng Indie Movie of the Year at Indie Movie Director of the Year para kay Vince Tañada. Si Vince din ang itinanghal na Movie Actor of the Year habang ang co-actor niya sa pelikula na si Johnrey Rivas ang nagwaging Movie Supporting Actor of the Year. Ang "Katips" din ang nakakuha ng Indie Movie Ensemble Acting of the Year pati na ang Indie Movie Musical Scorer of the Year para kay Pipo Cifra.

Marami rin ang naiuwing parangal ng “On The Job 2: The Missing 8” kabilang na ang Movie of the Year, Movie Director of the Year para kay Erik Matti, Movie Supporting Actress of the Year para kay Lotlot de Leon (ka-tie si Janice de Belen para sa "Big Night!"), Movie Ensemble Acting of the Year para sa buong cast, Movie Screenwriter of the Year (Michiko Yamamoto), at Movie Sound Engineer of the Year (Corinne De San Jose).


Mas pinakinang pa ang gabi ng parangal ng world-class performances ng The Company, Daryl Ong, Marlo Mortel, at ng Concert King na si Martin Nievera.

Ang awards night ay pinamunuan ng kasalukuyang Pangulo ng PMPC na si Fernan de Guzman bilang overall chairman kasama ang 2023 PMPC officers at board of directors. Ang kasalukuyang Vice President na si Mell Navarro ang tumatayong chairman ng 38th Star Awards for Movies katuwang ang PMPC Asst. Treasurer na si Lourdes Fabian bilang co-chairman. Si Frank Lloyd Mamaril ang direktor ng gabi ng parangal.


Ang kabuuan ng awards night at pagtatanghal ay mapapanood sa ALL TV Network sa Linggo, Hulyo 23, 9pm.

Narito ang official list of winners para sa 38th Star Awards for Movies:
Narito ang official list of winners para sa 38th Star Awards for Movies:

MOVIE OF THE YEAR - “On The Job 2: The Missing 8” (Reality MM Studios, Globe Studios, HBO Asia Originals)

 
MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR - Erik Matti (On The Job 2: The Missing 8 ) 
 
INDIE MOVIE OF THE YEAR - “Katips” (PhilStagers Films) 
 
INDIE MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR - Vince Tañada (Katips)


MOVIE ACTRESS OF THE YEAR - Charo Santos-Concio (Kun Maupay Man It Panahon) at Sunshine Dizon (Versus)
 
MOVIE ACTOR OF THE YEAR - Vince Tañada (Katips) 
 
MOVIE SUPPORTING ACTRESS OF THE YEAR - Janice De Belen (Big Night!) at Lotlot De Leon (On The Job 2: The Missing 8 ) 

MOVIE SUPPORTING ACTOR OF THE YEAR - Johnrey Rivas (Katips) 


MOVIE ENSEMBLE ACTING OF THE YEAR - The cast of “On The Job 2: The Missing 8” 
 
INDIE MOVIE ENSEMBLE ACTING OF THE YEAR - The cast of “Katips” 

NEW MOVIE ACTRESS OF THE YEAR - Quinn Carrillo (Silab)


NEW MOVIE ACTOR OF THE YEAR - Sean De Guzman (Anak Ng Macho Dancer) 

CHILD PERFORMER OF THE YEAR - Ella Ilano (The Housemaid)

SHORT MOVIE OF THE YEAR - “Black Rainbow” (Sinehalaga, NCCA, Negros Cultural Foundation, Uncle Scott Global Productions)
 
SHORT MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR - Zig Dulay (Black Rainbow)
 

TECHNICAL CATEGORIES  
(Mainstream and Indie Films) 
 
MOVIE SCREENWRITER OF THE YEAR - Michiko Yamamoto (On The Job 2: The Missing 8 )
 
MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR - Teck Siang Lim (Kun Maupay Man It Panahon) 
 
MOVIE EDITOR OF THE YEAR - Benjamin Tolentino (Big Night!) 
 
MOVIE PRODUCTION DESIGNER OF THE YEAR - Whammy Alcazaren (Kun Maupay Man It Panahon) 
 
MOVIE MUSICAL SCORER OF THE YEAR - The Storyteller Project (My Amanda)
 
MOVIE SOUND ENGINEER OF THE YEAR - Corinne De San Jose (On The Job 2: The Missing 8 )

MOVIE ORIGINAL THEME SONG OF THE YEAR -- "Umulan Man O Umaraw", performed by Rita Daniela, composed by Louie Ignacio, arranged by Bobby Velasco (for the movie "Huling Ulan Sa Tag-Araw")

INDIE MOVIE SCREENWRITER OF THE YEAR - Lav Diaz (Historia Ni Ha)
 
INDIE MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR - Lav Diaz (Historia Ni Ha)
 
INDIE MOVIE EDITOR OF THE YEAR - Armando Lao, Peter Arian Vito, Ysabelle Denoga (Gensan Punch)
 
INDIE MOVIE PRODUCTION DESIGNER OF THE YEAR - Lav Diaz (Historia Ni Ha) 
 
INDIE MOVIE MUSICAL SCORER OF THE YEAR - Pipo Cifra (Katips)
 

INDIE MOVIE SOUND ENGINEER OF THE YEAR - Albert Michael Idioma (Gensan Punch) 
 
INDIE MOVIE ORIGINAL THEME SONG OF THE YEAR - “Sa Susunod Na Ikot Ng Mundo” -- performed by Kris Lawrence, with saxophone solo by Nicole Reluya, composed and arranged by Von De Guzman (“Nelia”)


SPECIAL AWARDS:
 
Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award 
-- Ms. HELEN GAMBOA 
 
Ulirang Alagad Ng Pelikula Sa Likod Ng Kamera Lifetime Achievement Award 
-- Director CHITO ROÑO 
 
DARLING OF THE PRESS - Alfred Vargas 

 
MOVIE LOVETEAM OF THE YEAR - Donny Pangilinan and Belle Mariano (Love Is Color Blind) 

FEMALE STAR OF THE NIGHT - Claudine Barretto


MALE STAR OF THE NIGHT - Christian Bautista


FEMALE CELEBRITY OF THE NIGHT
- Quinn Carrillo


MALE CELEBRITY OF THE NIGHT
- Sean De Guzman

FACE OF THE NIGHT - Sunshine Cruz




Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "

Philippine’s “Trans Dual Diva” Sephy Francisco This Is Me Sephy concert sa January 26 na!