Joshua Garcia napabilib ng mga estudyante ng Academy of Rock!
Naging matagumpay ang “ Rock The World Charity Concert “ ng Academy of Rock na ginanap last July 01, sa Music Museum sa pangunguna ang AOR President and Founder na si Prescila Teo at ng mga AOR shareholders na sina Jonathan Manalo, Rox Santos, Enchong Dee at Joshua Garcia. Hosted by Jaiho
Ayon nga ka’y Joshua “ Natutuwa ako, nakakapang lambot ng puso na makita mo yung mga kabataan, and im sure maraming mai-inspire dito at sana yung mga magulang patuloy nilang i-encourage yung mga anak nila na mag try ng iba’t iba ( singing and playing instruments ) para makapg explore sila , and ito namang event na ito ay isang charity and at the same time it’s a recital. “
Pakiramdam nga daw ni Joshua ay parang mga anak niya yung mga bata habang nag peperform ang mga ito “ Oo ganun yung pakiramdam, hindi kasi ako naging ganun ka active sa AOR kas inga naging busy ako sa trabaho and this is the first time naka attend ako,
And you can say now na worth it ang pag sugal mo sa ganitong negosyo “ Of course, hindi mo masabi na baka may ma discover ka dito na artist and at the same time nakakatuwa na makatulong kami na mag explore ang mga bata, kasi alam natin na kailangan nating ipa experience halos lahat para makapili sila kung anong talent nila,
Dagdag pa nito “ Natutuwa nga ako kasi nung bata ako wala akong ganito, wala akong instrument, walang nagtuturo sa akin with AOR natutulungan natin ang mga bata ,
Soon nga daw ay baka magkaroon sila ng Scholars sa mga talentong gustong matuto pero walang kakayahang mag bayad.
Habang naging espesyal na panauhin at nag handog ng awitin sina Idol Philippines Season 2 Khimo Gumatay, Cesca,Trisha Denice at ang Global Ambassadress ng The Academy of Rock ( AOR ) na si Yeng Constantino. At nag perform din ang mga estudyante ng AOR na talaga namang pare-parehong mahuhusay.
Ang Academy of Rock ay isang sole music institution na commited sa pagtuturo ng rock at popular music with international certified teachers.
Comments
Post a Comment