" Pira-Pirasong Paraiso" at " Nag Aapoy na Damdamin, " Bubuhayin ang panonood sa hapon
Hindi lamang isa kundi dalawang bigating teleserye agad ang unang pasabog ng ABS -CBN Entertainmentv at TV5 sa hapon sa pamamagitan ng " Pira-Pirasong Paraiso " at " Nag Aapoy Na Dadamin " na magsisimula nang umere sa Hulyo 25 ( Martes ).
Tampok sa inaabangang co-production venture g ABS-CBN at TV5 ang mga sariwang kwento na may kinalaman sa sikreto ng pamilya, paghihiganti, at pagmamahal na tiyak na bibihag sa puso ng mga manonood.
Susubukin ng masalimuotvna nakaraan ang totoong pagkatao ng mga karakter nina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, at Elisse Joson sa drama seryeng " Pira-Pirasong Paraiso. "
Iikot ang kwento nito sa mga magkakapatid na pinaghiwalay at inabandona ng kanilang sariling pamilya noong sila ay bata pa lamang. Magiging tanging misyon ng panganay na si Diana ( Charlie ) na hanapin ang dalawa pa niyang kapatid na sina Amy at Beth para magkasama sila sa katotohanan tungkol sa tunay nilang pagkatao.
Ang Pira-Pirasong Paraiso " ay mula sa direksiyon nina Raymund B. Ocampo at Roderick Lindayag sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment. Pagbibidahan din ito nina KD Estrada, Ronnie Alonte, at Joseph Marco, Kasama sina Sunshine Dizon,Markus Patterson , Epy Quizon, Art Acuña, at may special participation din si Snooky Serna.
Giyera naman sa pagitan ng dalawang power couple ang bubungad sa " Nag Aapoy Na Damdamin " tampok sina JC De Vera, Ria Atayde, Tony Labrusca, at Jane Oineza.
Iikot ang kwento nito sa matinding tunggaliam nina Philip ( JC ) at Lucas ( Tony ), mga kasinungalingan na magdadamay sa mga babae sa kanilang buhay na sina Olivia / Claire ( Jane ) at Melinda ( Ria ), at paghihigant9 na isinumpa ni Philip sa pagkamatay ng kanilang mga magulang.
Kasama rin sina Joko Diaz, Kim Rodriguez, Maila Gumila, Carla Martinez, Aya Fernandez, at Nico Antonio sa serye na mula sa direksiyon nina FM Reyes at Benedict Mique sa ilalim ng JRB Creative Production.
Tutukan ang " Pira- Pirasong Paraiso " ( 3pm ) at " Nag Aapoy na Damdamin " ( 3:50pm ) lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC , A2Z, at TV 6 simula Hulyo 25 ( Martes ). Mapapanood din ang " Pira--Pirasong Paraiso " tuwing Sabado, 2:50pm.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Tiktok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.


Comments
Post a Comment