QUINN CARRILLO NOMINADONG NEW MOVIE ACTRESS OF THE YEAR

Masaya si Quinn Carrillo na nominado  siya sa 38th PMPC Star Awards for Movies bilang New Movie Actress  of the Year para sa pelikulang “Silab.”   Gaganapin  ito bukas, July 16  sa Centennial Hall, Manila Hotel. 

Malayo na ang narating ni Quinn  simula sa ‘Silab’ dahil  nagbida na siya sa pelikulang ‘Biyak’ . Nasundan  pa  ito sa  movie na ‘Litrato’  with Ai Ai delas Alas na palabas sa July 26.

“Thank you so much PMPC for nominating me.Sobrang laking honor  na ma-nominate po.Manalo o matalo okey na po sa akin na mabigyan niyo ako ng recognition happy na po ako doon,” bulalas niya nang makatsikahan siya sa presscon ng ‘Litrato.’

Kung mananalo siya ihahandog  niya ang  kanyang tropeyo sa pamilya niya. Lagi raw silang nandiyan para suportahan ang gusto niyang gawin. Sila raw ang nagsisilbing inspirasyon niya sa kanyang career.

Comments

Popular posts from this blog

Matagumpay ang Ika-2nd Gawad Dangal ng Filipino Awards 2024!

Engrande ang Launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc.,

Cong. Arjo Atayde pinabulaanang di na tatakbo sa susunod na eleksiyon