2023--GOLDEN ANNIVERSARY NI SEN. BONG SA SHOWBIZ

NGAYONG Agosto 2023 ay ipinagdiriwang ni Sen. Bong Revilla Jr. ang ika-50 anibersaryo sa  show business na sa kabila ng napakaraming pelikulang nagawa ay nananatili pa rin ang kakisigan at tila hindi tumatanda.

Bukod sa kaniyang anibersaryo ay ipagdiriwang din ni Sen. Bong ang kaniyang ika-57 kaarawan sa darating na Septyembre 25 na kahit abala sa kaniyang pagiging Senador ay nagagawa pa rin nitong isingit na gumawa ng sitcom.

Katunayan ay last episode na sa darating na Linggo (Agosto 20) ang pumatok na ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ na napapanood tuwing Linggo sa GMA 7 ganap na alas 7:15 ng gabi.

Ayon kay Sen. Bong abangan daw ang Season 2 na kasalukuyan nang pinaplantsa at dahil sa mataas na ratings ng naturang weekly mini-series ay may mga planong balak na umano itong gawing araw-araw ngunit wala pang kumpirmasyon.

Si Sen. Bong ay unang nagkaroon ng exposure sa pelikula noong siya ay 7 anyos lamang nang isama siya sa pelikulang ‘Tiagong Akyat’ noong 1973 sa ilalim ng Imus Production na pinagbidahan ng kaniyang amang si Ramon Revilla Sr at ang kaparehang si Aurora Salve.

Nagmarka rin ang role ni Sen. Bong noong siya ay 14 anyos lamang sa pelikulang ‘Bianong Bulag’ na pinagbidahan din ng kaniyang ama at ni Charito Solis nang gumanap siya bilang batang Bianong Bulag.

Ilan lang ‘yan sa napakaraming pelikulang ginawa sa panahong napakabata pa ni Sen. Bong hanggang sa dumating ang taong 1983 ay inilunsad na si Sen. Bong sa pelikulang ‘Dugong Buhay’ na pinagsamahan din nila ng kaniyang ama sa ilalim ng Lea Production.

Ilan pa sa mga naging blockbuster movie ni Sen. Bong ay ang ‘Boboy Tibayan-Tigre ng Cavite’ sa ilalim na ng RNB Films hanggang sa magtuluy-tuloy na ang kaniyang showbiz career.

Mula dito ay tinanghal ng Titanic Action Star si Sen. Bong na personal ding pinili ng yumaong Fernando Poe Jr. na gumanap na Panday na isa ring blockbuster movie.

Ilan pa sa mga hindi makalilimutang pelikula na ginawa ni Sen. Bong ay ang Pieta, Ang Ikalawang Aklat; Sa Dibdib ng Sierra Madre; Celeste Gang;  Tigre ng Cavite; Beloy Montemayor; Anak ng Supremo; Isa Lang ang Dapat Mabuhay; Bodyguard:Masyong Bagwisa Jr. at Sgt. Villapando: A.W.O.L.

Kasama rin ang pelikulang Target: Sparrow Unit; Boy Tornado; Anak ng Lupa; Dongalo Massacre; Lost Command; Alega Gang: Public Enemy No.1 of Cebu; Iyo ang Batas, Akin ang Katarungan; Cordillera; Chinatown: Sa Kuko ng Dragon; Florencio Diño: Public Enemy No. 1 of Caloocan; Moises Platon; Isang Bala, Isang Buhay; Urbanito Dizon; Bala at Rosaryo at APO: Kingpin ng Maynila.

Alyas Pogi: 1,2 at 3 Birador ng Nueva Ecija; Manong Gang; Kapitan Jaylo: Batas sa Batas; Leon ng Maynila;  Hanggang May Buhay; Pangako Sa'yo; Dugo ng Panday;  Ronquillo: Tubong Cavite, Laking Tondo; Sala sa Init, Sala sa Lamig; Ako ang Katarungan: Lt. Napoleon M. Guevarra; Relax Ka Lang, Sagot Kita.

Iukit Mo sa Bala; Walang Matigas na Pulis, Sa Matinik na Misis;  Pustahan Tayo, Mahal Mo Ako;  Batas Ko ang Katapat Mo;  Ang Titser Kong Pogi;  SPO4 Santiago: Sharpshooter;  Pag-ibig Ko sa Iyo'y Totoo;  Kung Marunong Kang Magdasal Umpisahan Mo Na.

Yes Darling: Walang Matigas Na Pulis 2;  Sabi Mo Mahal Mo Ako, Wala ng Bawian;  Buhay Mo'y Buhay Ko Rin;  Ben Delubyo; Pepeng Agimat, Minsan Ko Lang Sasabihin;  Mahal Kita: Final Answer!;  Kilabot at Kembot;  Ang Agimat: Anting-anting ni Lolo;  Bertud ng Putik; Captain Barbell; Exodus: Tales from the Enchanted Kingdom; Kapag Tumibok Ang Puso: Not Once, But Twice;  Resiklo;  Ang Panday;  Si Agimat at si Enteng Kabisote;  Ang Panday 2 at Si Agimat, si Enteng at si Ako.

Pinasok rin ni Sen. Bong ang telebisyon, at umabot ng limang taon ang  Idol Ko si Kap; nasundan ng Hokus Pokus tapos ay  HP: To the Highest Level Na!; Sabay naman ang Kap's Amazing Stories na napapanood tuwing Linggo at Indio na mula Lunes hanggang Biyernes, pumatok din ang Agimat ng Agila; at ang pinakahuli ay ang  Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

“Ang Daddy ko mismo ang naging mentor ko hindi lang sa paggawa ng pelikula kung hindi maging sa pag-arte, siya mismo ang humubog sa akin hanggang sa aking paglaki kaya maging ang pagpalaot niya pulitika ay naman ko rin” kuwento ni Sen. Bong.

Si Sen. Bong na mahal na mahal ng kaniyang mga katrabaho sa pelikula ay hindi nali-late sa shooting o taping na isa sa mahigpit na kabilin-bilinan umano ng kaniyang ama upang magtagumpay at magtagal sa showbiz industry.

-30-

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "

Philippine’s “Trans Dual Diva” Sephy Francisco This Is Me Sephy concert sa January 26 na!