Fake news ang balitang hiwalay na si Dawn sa asawa!


Fake news ang kumalat na tsikang hiwalay na ang maganda at mahusay na aktres na si Dawn Zulueta at ang esposo nitong si Special Assistant to the President (SAP) na si Anton Lagdameo, ito ay ng pumunta ng amerika si Dawn.

Pero ang katotohanan ay pumunta ito ng Amerika dahil sinamahan nito ang kanyang  anak na si Ayosha  na nakakuha ng scholarship sa ballet.


At kahit nga umingay sa apat na sulok ng bansa ang naturang tsika ay deadma lang at walang eksplanasyon na binigay si Dawn, bagkus ay nakita ito at ang kanyang asawa na sweet na  magkasamang dumalo sa isang exhibit, at ang litratong kuha sa nasabing exhibit na magkasama sila ay ipinost ng aktres sa kanyang social media  na may caption na “So happy to be back home with my husband, our family, and ear friends! (emojis clapping hands) to @joannapreyslermanila & @raulsfrancisco for another successful art exhibit of @markrochapadernal’s beautiful portraits entitled UNGUARDED @flagdameo & I love how Mark wonderfully captured the blissful expression of our first portrait together that Joanna entitled HOME AT LAST, perfectly marking our more than 25 years of marriage.


“Thank yuou, Jo, for making this happen! You were brilliantly with it every step of the way. I’m so
 glad I listened to you #Unguarded #HomeAtLast #MarkRochaPadernal #provenanceartgallery.”

At ngayong Agosto ay nakatakda itong bumalik ng Amerika para ienrol naman sa kolehiyo ang anak na si Jacobo.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "