Sa pagbaba ng grado sa school, Klinton lie low muna sa showbiz!



Mukhang lie low muna sa showbiz ang tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si  Klinton Start na mas gusto munang mag focus sa kanyang pag aaral.

Huling napanood si Klinton sa Marriage Broken Vow bilang si Macky ang bully  Gio na ginagampan naman ng dating child star na si Zaijan Jaranilla.


Medyo bumaba daw kasi ang mga grades ni Klinton noon sa sunod-sunod na tapings kaya naman nabahala ito, at doon na nag desisyon na mag focus muna sa pag aaral.

Thankful nga ito sa kanyang guardians na sina Ann Malig Dizon at Haye Start dahil naiintindihan at suportado ang kanyang desisyon.


Makakasama nga dapat ito sa isang malaking teleserye, pero tinanggihan nito dahil buo na ang kanyang desisyon na studies muna atsaka na ang showbiz.

Open naman daw ito sa pagtanggap ng mga tv guestings, mall at out of town shows, pero no way muna sa pag tanggap ng teleserye.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "