Sa pagwawagi sa FAMAS sa pangalawang pagkakataon.. Nadine pinakamahusay na aktres sa kanyang henerasyon

 



Winner for the second time around ang isa sa pinakamahusay na aktres sa kanyang henerasyon na si Nadine Lustre  bilang best actress sa katatapos na 71st Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) awards night noong August 13 na ginanap sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel para sa mahusay nitong pag ganap sa Greed.

Una ng nanalo si Nadine noong 2019 para sa pelikulang Never Not Love You at ngayong 2023 ay wagi na naman ito para sa pelikulang Greed at tinalo ang iba pang mahuhusay na aktres sa Bansa.


Tama ang naging desisyon ni Nadine na hindi lahat ng movie na i offer sa kanya ay tatanggapin nito, mas maganda nga naman na piliin ang mga projects na tatanggapin, kailangang iba sa mga projects na nagawa mo at maganda ang istorya at challenging ang role na gagampanan.

Hindi naman daw ito choosy sa pagtanggap ng proyekto, may mga projects lang daw talaga na gusto nitong gawin, kumbaga dream projects para sa kanya.


Kaya naman sa pagwawagi nito sa ikalawang pagkakataon sa Famas, itinuturing itong pinaka mahusay na aktres sa kanyang henerasyon.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "