Sen. Grace Poe, Former QC Mayor Herbert Bautista at Celebrity Businesswoman Cecille Bravo nag cut ng ribbong sa Art Exhibit ni Reb Belleza


Naging matagumpay ang opening ng Art Exhibit  ng fomer actor turn painter na si Reb Belleza na ginanap sa Art Circle Cafe UP Bahay ng Allumni Diliman Quezon City na ginanap last Aug. 7, 2023.

Kung saan naging espesyal na panauhin nito  sina Senator Grace Poe, Former QC Mayor Herbert Bautista, Celebrity Businesswoman & Philantropist Cecille Bravo along with Reb para mag cut ng ribbon.

Present din sa  Art Exhibit ni Reb ang kanyang very supportive mom na si Divina Valencia at ng kanyang wife na si Vale Dela Riva- Belleza.


Suportado din ito ng kanyang mga kaibigan sa showbiz na sina Hero Bautista, Rosanna Roces,  Maricel Soriano, Monching Guttierrez and Kids, Myla Gumila, Raoul Barbosa, Miguel Bravo Jeffrey Dizon, Dj Janna Chu Chu atbp.



Ilang araw nga daw bago maganap ang opening ng kanyang one man art exhibit ay nagkasakit si Reb at hospital, mabuti na lanf daw ay naging mabilis ang kanyang pag galing. Nagpapasalamat nga ito sa kanyang Ina at asawa na inalagaan siya at hindi iniwan ng mga panahong siya ay may karamdaman.


Sa ngayon daw ay ang pagpipinta ang nagsisilbing bread and butter ni Reb na iniwan na ang pag arte at nag focus na sa pagpipinta, pag naka benta daw siya ng kahi't isang painting ay ito ang ipinantutustos sa kanilang pang araw-araw na gastusin, kaya naman daw nagpapasalamat ito sa mga taong bumibili ng kanyang paintings.




Kung saan ilan nga sa kasamang painting sa exhibit ay mabilis na nabili, at apat nga sa mga ito ang binili ni Ms Cecille Bravo na lahat ay nagkakahalaga ng  two hundred fifty thousand pesos.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "