Gary Valenciano, Zild Benitez at Gigi De Lara gustong maka- collab ng InnerVoices


Ang pure energy na si Gary Valeciano, Teen Rock Star na si Zild Benitez at Youtube Sensation na si Gigi De Lara ang gustong maka-collab ng grupong sumikat noong 90’s ang InnerVoices sa kanilang pagbabalik recording scene.

 

Ang " InnerVoices " ang nagpasikat ng awiting " Paano " mula s kanilang hit album na " Find Away ", kung saan nanalo sila ng Best Performance by a New Group Recording Artist sa 28th Awit Awards.



Ang Innervoices ay kinabibilangan nina Angelo Miguel ( Vocals ), Rene Tecson ( Guitar ), Ruben Tecson ( Drums ), Rey Bergado ( Key Board ), Alvin Herbon ( Bass Guitar ), Joseph Cruz ( Keyboard Vocals ) at Joseph Esparrago ( Drums, Percussion, Vocals).


 

At sa kanilang pagbabalik recording scene ay tatlong magagandang awitin ang hatid nila para sa mga Pinoy music lovers at para na rin sa kanilang mga loyal supporters at ito ay mga sure hit songs na  Isasayaw Kita,  Anghel  at  Hari  

 

Kung saan sa darating na September 24 ay magkakaroon sila ng launching ng kanilang mga bagong kanta sa 19 East kung saan magiging espesyal na panauhin nila sina the voice kids Esang De Torres, The Sonnets and Abbey 25.

Comments

Popular posts from this blog

Si Francine Garcia daw ang gustong makasama ni Seth Fedelin

Kyle Echarri gustong makatrabaho ni Beauty Queen Marianne Bermundo

Engrande ang Launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc.,