Joel Cruz dumulog sa NBI
Dumulog kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang businessman na may-ari ng Aficionado Perfume na si Joel Cruz kasama ng kanyang abogado para paimbestigahan ang grupo na nag-alok sa kanyang sumali sa Paris Fashion Week kapalit ng apat na milyong piso.
Nagtungo si Joel Cruz at ang kanyang abogado para maghain ng reklamo laban sa Genius Billion International Production Corporation, na kinabibilangan ng Presidente nito na si Angelito "Angel” De Jesus, at shareholders na sina Becky Garcia, Albert Andrada, Lawrence Plata, Roda Agasen, at iba pa.
Pinangakuan di umano ng grupo na lalahok sa prestisyosong Paris Fashion Week ang businessman kasama ng kanyang walong anak kapalit ng pagbabayad nito ng 4 na milyong piso.
Matapos maibigay ang pera, dalawang beses na kinansela ng grupo ang Paris Fashion Week Show ni Albert Andrada – una noong Enero 2023 at ang pinakahuling pag-kansela ay habang nasa Paris na si Joel Cruz at ang kanyang mga anak, ilang araw bago ang schedule ng di umanong Fashion Show noong July 2023. Ibinahagi din ni Joel Cruz na ginawa lang ang korporasyong lumapit sa kanya para lamang sa layuning mag-solicit ng pera sa publiko gamit ang “Paris Fashion Week”.
Nais din ni Joel Cruz na mapanagot ang grupo dahil hindi lamang sya ang na-biktima ng mga ito at marami pang mga tao ang nahingan ng pera para sa naturang naunsyameng Fashion Show.
Comments
Post a Comment