Matagumpay ang premiere night ng Huling Sayaw



Naging matagumpay ang premiere night ng pelikulang pinagbibidahan ni Bugoy Cariño ang " Huling Sayaw " na ginanap sa Cinema 2 ng SM North The Block kagabi Sept. 11, 2023.

Ang " Huling Sayaw " ay 
 hatid ng Cameroll Entertainment Productions sa  direksiyon ni Errol  Ropero.

Ang nasabing pelikula ay tungkol sa journey ni 
Danilo na ginagampanan ni Bugoy  na ang  pangarap ay maging sikat na dancer sa Manila na napabayaan ang kanyang pag aaral dahil sa barkada, bisyo at yumabang ng naging star dancer ng kanyang paaralan.


Laman din ng pelikula ang kahalagan ng frienship at pagtupad ng iyong pangarap at ang nagiging resulta ng pagiging mayabang. Maganda ang aral na ibinibigay ng pelikula na karapat dapat na panoorin ng mga magulang at kabataan.


Napakahusay ni Bugoy sa nasabing pelikula maging ang mga co stars nito na sina  Rob Sy ( Pabling ) Ramon Christopher ( Pancho ), Christian Vasquez, Emilio
 Garcia ( Ramil ) , Jeffrey Santos, Jao Mapa ( Coach Azkiel ) , Brenna Garcia ( Bailey ), Andy Abellar ( Stephanie ), Miles Manzano  ( drake ), Potchie Angeles ( Patrick ).

Kasama din sina Mark Herras, Zeus Collins at Mickey Ferriols bilang Nanay ni Danilo atbp.


Ilan sa namataan naming dumalo sa premiere night ay ang Influencer na si Dior Veneracion, Actor Dustine Mayores at singer na si Chie Guilar. Present din ang wife at daughter ni Bugoy at daughter ni Jao Mapa.

Magsisimulang mapanood sa mga sinehan ang Huling Sayaw sa. Sept. 13.


Comments

Popular posts from this blog

Si Francine Garcia daw ang gustong makasama ni Seth Fedelin

Kyle Echarri gustong makatrabaho ni Beauty Queen Marianne Bermundo

Engrande ang Launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc.,