Nadine at James nag usap, nag yakap at nag beso-beso sa isang event

 
Wala daw katotohanan na may pagbabalikang magaganap with former couple na sina 2 tines famas Best Actress Nadine Lustre at Jamea Reid na nagkita sa opening ng isang botique.

Kung saan kumalat sa social media ang mga litrato ng dalawa na nag usap, nag yakap at nag beso-beso, kaya naman nabuhay muli ang fandom ng dalawa na umaasa na muling  magkakabalikan si Nadine at James at muling magsasama sa proyekto.



Pero mukhang malabong mangyari ang gustong mangyari ng mga fans nina James at Nadine na magkabalikan ang mga ito dahil pareho ng masaya ang dalawa sa kani-kanilang partner.

Ang puĺ-puwede lang sigurong mangyari ay muling  mapagsama ang mga ito sa pelikula o teleserye lalo na't naging okey naman ang kanilang muling pagkikita.

Sa ngayon ay abalang-abala si Nadine sa shooting ng kanyang horror movie na Nokturno na possible entry sa 2023 Metro Manila Film Festival, kung saan makakasama nito sina Eula Valdez at Bea Binene sa direksiyon ni Mikhail Red under Viva Films.

Comments

Popular posts from this blog

Si Francine Garcia daw ang gustong makasama ni Seth Fedelin

Kyle Echarri gustong makatrabaho ni Beauty Queen Marianne Bermundo

Engrande ang Launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc.,