Posts

Showing posts from November, 2023

Barbara Milano umiyak sa presscon ng maalala ang dating nakarelasyong Pulitiko!

Image
Hindi napigilang maiyak ang nagbabalik-showbiz na dating sexy star na si Barbara Milano nang mapag usapan ang tungkol sa naging relasyon nito sa isang  Pulitiko. Ayaw na lang daw nitong banggitin ang pangalan ng nasabing sikat na sikat na Pulitiko dahil tahimik na pareho ang kanilang buhay at matagal na rin naman silang walang relasyon. Pero aminado ito na kahit tatlong taon lang tumagal ang kanilang relasyon ay minahal niya ito ng buong puso. Isa si Barbara sa anim na pumirma ng kontrata sa Borrat Talent Management na isasama sa mga pelikulang gagawin ng Borracho Films. Kasamang pumirma ng kontrata sa Borrat Talent Management ng 8 taon sina Fiona Phoebe, Anyah Koh, Stella Blanca, Luna Bella at Tala Zaldivar na isang Host & Beauty Queen. At ang rason daw ni Barbara sa kanyang pagbabalik showbiz ay sobrang  na-miss niya  daw kasi ang buhay-showbiz, 'yung bonding niya with the press 'pag ini-interview siya, 'pag mine-make-up -an, etc.. kasabay ng launching at contract sig

Jeri Gem ng Tarsier Records

Image
Malaki ang potential na sumikat di lang sa laramgam ng pagkanta, kung hindi maging sa pag aartista ang singer & composer  na si Jeri dahil bulod sa husay sa pag awit at pag gawa awitin ay napaka guwapo at talented si Jeri. Pero sa ngayon daw ay ang pag awit at pagko-compose muna ng awitin ang gustong pagtuunan ng pansin ni Jeri. At kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon ay gusto nitong maka- collab ang   Ben & Ben at si  Zack Tabudlo. Kuwento nga ni Jeri sa naganap ngang launching ng kanyang single na " Gusto Kita ", kasabay ng music video nito sa Silver Lotus Place sa Timog Quezon City last Nov. 29  ay sinabi nito na si Zack Tabudlo ang isa sa paborito niya at inspirasyon sa pagkanta, dahil na rin sa husay nito bilang musikero. Maraming nagsasabi na kahawig ni Jeri ang aktor na si Matteo Guidicelli, pero sana daw ay mabigyan siya ng pagkakataon na makagawa ng sariling pangalan sa music industry. “I have realistic but big dreams. I want to be known in the local music

CEO ng Beauty Wise Philippines na si Abdania Galob engrande ang debut

Image
    Engrade ang naging selebrasyon ng 18th Birthday ( Iya A Decade And Eight ) ng maganda at napaka-hardworking na CEO ng Beauty Wise Philippines na si Abdania " Iya " Galo na ginanap sa Manila Ballroom of Hilton 1  Newport  Blvd. Pasay. Kung saan present ang kanyang pamilya sa panguguna ng kanyang mga magulang, kapatid, kamag anak, kaibigan at mga kaklase nito. Kung saan isa nga sa espesyal na regalo na natanggap ni Iya sa kanyang kaarawan ay isang brand new car  mula sa kanyang pinakamamahal na magulang. Ilan sa goal ni Iya this coming 2024 ang makapenetrate ang Beauty Wise Philippines sa International Market, at sa Indonesia nga daw ay magkakaroon na ng Beauty Wise Philippines at makikita doon ang mga naglalakihang Billboard ni Iya. Habang dapat namang abangan ang mga bagong produktong ilalabas ng Beauty Wise Philippines sa pag pasok ng 2024 Ilan sa naging special celebrity  guest ni Iya sa kanyang kaarawan sina Dustine Yu, Kelvin Miranda, Derrick Monasterio, Paul Salas, D

FEU-ABMC Batch 91 magbibigay saya sa mga kids at adults ng Caritas Manila

Image
Ang Pasko ay araw ng pagmamahalan at pagbibigayan kaya naman  ngayong nalalapit na Kapaskuhan ang  FEU-ABMC Batch 1991 na may temang " CHRISTmas  With You " sa pangunguna nina Actress  Wendy Villacorta, Businessman  Rommel Luna, Grace Millena Gloria, Irma Ramores, Arnold Santiago and Kester Salvador ay nag buo ng isang charity para sa mga bata ( special kids and PWD ) at matatanda ng  Caritas Manila, Pandacan sa November 25 ( Saturday ) ng 3pm. Kung saan dadalo din ang ilang FEU-  AMBC Batch 91 Graduates para suporta at ilan dito sina  Barangay LS DJ na si Janna Chu Chu ( John Fontanilla, Actor Roni Abario, Louie Agulto, Lanie B., Grace Agnes G., Tess Pacheco Yang, Jazz Supetran Martinez, Arnold Santiago, Irene Lundang, Melvin Dayag, Irene Romero, Tham PeƱoso, Irma Ramores, Severita, Letecia, Grace Raymundo, Olive Salvador, Gloria Mendoza, Clifford Shaun  and DJ Anthony Coson. Ayon nga ka'y Wendy Villacorta  " This is for the benefit of the in-house  and day care pat

Penelope gustong maka-collab at gawan ng kanta ang Ben & Ben at si KZ Tandingan

Image
Ang sikat na grupong  Ben & Ben ang isa sa fave band at gustong maka- collab ng very talented singer na si Penelope. At ang singer naman na si KZ Tandingan ang singer na gusto naman nitong bigyan ng kanta. Sampung taon daw ng mag simulang umawit si Penelope at ngayon nga ay nasa pangangalaga ng FlipMusic Records at pino-promote ngayon ang kanyang debut single entitled " Tag Ulan ". At ngayong Nov. 17 ay nakatakda itong mag-release ng tatlong bagong kanta ang " Ako'y Sa 'Yo " (Nov. 17), " Di Ka Nag-iisa " (Dec. 8), at " Differences"  (Dec. 15) na bahagi ng kanyang New Era album under FlipMusic Records.

Sam Versoza isa ng Kapuso

Image
Pasasalamat ang gustong ibigay ng Philanthropist at host ng Dear SV na simula Nov. 18 ng 11:30 ng gabi ay mapapanood na sa GMA 7 si Sam Versoza ka'y Willie Revillame. Kung saan isa daw si Willie sa taong nag inspire sa kanya para tumulong sa mga kababayan nating kapos sa buhay. Maiyak-iyak nga ito habang ibinabahagi nito ang kuwento ng bawat Filipino na na feature at natulungan nila sa Dear SV. “Ang programang ito ( Dear SV ] , sabi nga ni Kuya Will (Willie Revillame), sabi ng team ko, nakikita ko na programa para sa bawat Filipino. Nagbibigay-inspirasyon, nagbibigay ng pag-asa, nagbibigay ng kaunting luha at sa dulo nagbibigay po ng kaunting saya,” Dagdag pa niton “Napakahirap pong gawin ang mga pinupuntahan namin, ang team ko po napakagaling gumawa ng script, ng pagpili ng mga tinutulungan, ng pagsama roon." " Ang layo ng mga tinutulungan namin, pinupuntahan namin. Nagkakasakit na po sila. Iyong huling pinuntahan namin sa Davao, (at tuluyan nang tumulo ang luha ng kongr