Barbara Milano umiyak sa presscon ng maalala ang dating nakarelasyong Pulitiko!


Hindi napigilang maiyak ang nagbabalik-showbiz na dating sexy star na si Barbara Milano nang mapag usapan ang tungkol sa naging relasyon nito sa isang  Pulitiko.
Ayaw na lang daw nitong banggitin ang pangalan ng nasabing sikat na sikat na Pulitiko dahil tahimik na pareho ang kanilang buhay at matagal na rin naman silang walang relasyon.

Pero aminado ito na kahit tatlong taon lang tumagal ang kanilang relasyon ay minahal niya ito ng buong puso.
Isa si Barbara sa anim na pumirma ng kontrata sa Borrat Talent Management na isasama sa mga pelikulang gagawin ng Borracho Films.


Kasamang pumirma ng kontrata sa Borrat Talent Management ng 8 taon sina Fiona Phoebe, Anyah Koh, Stella Blanca, Luna Bella at Tala Zaldivar na isang Host & Beauty Queen.






At ang rason daw ni Barbara sa kanyang pagbabalik showbiz ay sobrang  na-miss niya  daw kasi ang buhay-showbiz, 'yung bonding niya with the press 'pag ini-interview siya, 'pag mine-make-up -an, etc..




kasabay ng launching at contract signing ng mga bagong Borrat artists, ibinalita rin ni Atty. Ferdinand Topacio na simula sa Dec. 1, mapapanood na rin sa Netflix ang kanyang first produced action movie, ang Mamasapano na pinagbidahan ni Edu Manzano, Aljur Abrenica, Ritz Asul atbp.




Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "