Kim Rodriguez kinuhang ambassadress ng Bagin Philippines
Bago matapos ang taon ay sunod-sunod ang suwerteng dumadating sa kapamilya actress na si Kim Rodriguez.
After nga nitong lumipat ng ABS CBN mula sa Kapuso Network GMA 7 ay nagkasunod- sunod na ang dating ng magagandang proyekto ni Kim mula sa " Darna " , " Fractured " at ngayon ay ang hit afternoon series na " Nag Aapoy Na Damdamin " kung saan pinuri ng netizens ang husay nitong pag ganap bilang Sofia.
Bukod nga sa mga papuring natatanggap sa " Nag Aapoy Na Damdamin " ay sunod-sunod din ang endorsement na dumadating dito.
At isa na dito ang pagiging brand ambassadress nito ng Bagin Philippines. Kung saan kamakailan ay pumirma ito ng kontrata kasama ang Presidente Bagin Philippines si Mr. Cheng Zhao.
Thankful nga daw si Kim sa Bagin Philippines sa pag kuha sa kanya bilang part ng kanilang family lalong-lalo na sa President nitong si Mr. Cheng Zhao.






Comments
Post a Comment