Chemistry nila Vilma at Boyet di nag laho simula noon hangang ngayon!


Respeto daw na sinamahan ng magandang pagsasama at pagiging propesyunal sa trabaho ang rason kung bakit hangang ngayon ay okey pa rin ang loveteam nina Vilma Santos at Christopher De Leon.

Kaya naman sa pelikula nilang When I Met You In Tokyo na entry ng JG Productions sa Metro Manila Film Festival 2023 na mapapanood na simula December 25 ay kitang-kita ang chemistry ng dalawa.


“I guess sa experience naman kasi namin ni Yetbo (tawag ni Vi kay Boyet) ang talagang number one sa amin, even before pa is the respect for each other. Kasi even…You know when we did our first movie, ‘Tag-Ulan sa Tag-Araw’ (1975) he was married na eh.  
 
“Hindi pa ako buntis noon kay Lucky, so imagine nagsasama na kami ni Yetbo and  Lucky is 42 now, so ang tagal na. Ganoon iyong haba ng samahan namin ni Yetbo. So, respect sa isa’t isa at the friendship that we had, inalagaan namin iyon. 


“Ang siguro ang pinakamaganda lang sa amin ni Yetbo, I don’t know kung saan nanggaling pero iyong chemistry…naniniwala kasi ako na hindi naman nagagawa iyong chemistry, acting iyon eh, you will feel it eh. "

" Pero sa tagal ko na siyang kakilala, the magic of chemistry that we had, I think up to this day hindi ko alam kung saan nanggagaling, basta kilalang-kilala ko si Yetbo and vice versa. 


“And one thing siguro na malaki rin ang naitulong sa amin is professionalism,” 

“Everytime we do a movie, we do our roles. Ako experience ko kay Yetbo kaya siguro ganoon, kung ano iyong role ko—asawa ko siya, talagang asawa ko siya." 


" Paninindigan ko iyong role ko na asawa ko siya. When we did ‘Relasyon (1982),’ mistress ako talagang immediately magseselos ako ganoon. 

"And dumating kami sa point na the magic of chemistry even the time during ng kay Ishmael Bernal kay direk Laurice Guillen, iniiwan sa amin ni Yetbo ang eksena. ‘Yung sasabihin lang sa amin, improvisation. Kami na bahala gumawa."



“If we don’t have that kind of chemistry hindi namin mabubuo iyong eksena. I don’t know where the magic is coming from up to this day. 

" Nadala namin iyan dito sa ‘When I Met You In Tokyo.’ And it’s the approach what we had is more matured. Na hindi namin alam. Marami rin kaming eksena rito na walang rehearsal,” 


At  kahit  walang relasyon o hindi nagkagustuhan sina Vilma at Boyet tulad ng ibang loveteam ay kitang-kitang ang chemistry sa kanilang dalawa at laging may dalang kilig sa mga manonood ang kanilang pagsasama.

“Maybe because that’s part of professionalism. Like you work on your character and make sure na naroon ka sa character mo. Na you don’t play with the character, you play it seriously. "

" Si Yetbo is such a serious actor also. Kaya everytime he acts ewan ko nasasagot ko siya and vice versa. Tinginan lang namin,” 

Ang When I Met You In Tokyo ay prodyus ng JG Productions nina Rowena Jamaji, Karishma Gidwani, at Redgie Magno at idinirehe nina Rado Peru at Rommel Penza. Isinulat ni Suzette Doctolero at si Shayne Sarte ang cinematographer. 







 
Makakasama nila  Vilma at Boyet  sa nasabing Pelikula sina Cassy Legaspi, Darren Espanto, Kakai Bautista, Lyn Cruz atbp.






Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "

Philippine’s “Trans Dual Diva” Sephy Francisco This Is Me Sephy concert sa January 26 na!