Cecille Bravo saludo sa kanyang mga business partners sa Rampa!
Masayang-masaya ang
businesswoman and Philanthropist na si Madam Cecille Bravo sa bagong negosyong kanyang pinasok.
Kung saan isa ito sa may ari ng pinakabagong Drag Club sa Quezon City ang " RAMPA " na may soft ofening ngayong araw Jan. 17, 2024
Saludo daw ito sa kanyang business partners na sina Raymond RS Francisco ( Frontrow ), Loui Gene Cabel, The Divine Divas ---Precious Paula Nicole, Viñas De Luxe, Brigiding, Ice Seguerra and Liza Diño, dahil professional, mababait at gina-guide siya sa kanyang bagong negosyong pinasok.
Ayon nga ka'y Madam Cecille ang Rampa daw ang magiging tahanan ng mga talented drag queens sa Pilipinas, kung saan ay malaya silang makakapag-perform at ipamalas ang kanilang talento.
" This will be a place na comfortably makakapunta, sabi nga straight o ano pang preference mo, you can be comfortable of who you are, even siguro family ma eexpose sila tapos magkakaroon sila ng different prespective sa mga drag queens at sa iba pang magpe perform, "
" And gusto namin siguro na maging kilala locally, gusto din namin ito makilala internationally, yung pumunta mula sa ibang bansa ito yung isang spot na gusto nilang puntahan di ba , "
" Siyempre as a businesswoman, ang iniisip ko, it has also to bring in money para we can continue to give you yung magagandang performance top of the line, and we are open for suggestions kung neron kayong ibigay sa amin para kung ano pang puwedeng idagdag namin para to be bettet and best, "
" Atsaka lagi naming sinasabi this is for everybody, hindi namin ito ili-limit this is a good place na parang you can feel relax with yourself, bring your friend,hindi sila maiilang pag sumama sa inyo, "
" And isa din sa mai-ooffer namin sa inyo yung safety nandun yung ellegance, good show, good food and affordable price, "
" Siyempre gusto naman ninyo na magtatagal kayo sa isang lugar habang nagtsi-tsika kayo masarap yung food, we promise you something na iba naman ang take. "
At kahi't nga daw ito baguhan sa club business ay willing siyang matuto sa tulong ng kanyang mga co-owners na bihasa na sa pagpapatakbo ng ganitong klaseng negosyo. Very excited na rin ito sa nalalapit na pagbubukas ng RAMPA.







Comments
Post a Comment