Jocelyn Cubales malakas ang laban sa Miss Universe Philippines Quezon City


Maraming humanga sa muling  pagsabak sa pageant ng  69-year-old na si Jocelyn Cubales na isa sa matunog at napipisil na manalo sa gaganaping  Miss Universe Philippines-Quezon City.

Kasama si Jocelyn sa 14 iba pang kandidata na magko-compete sa Feb. 5 para sa korona upang maging representante ng lungsod sa national edition ng Miss Universe 2024. 


Isang malaking inspirasyon daw si Jocelyn or Joyce kung tawagin ng kanyang mga kaibigan sa mga katulad niya na nangangarap pa ring sumampa sa entablado at mag join ng beauty pageant.

Maalalang bukod sa pagiging Beauty Queen ay isang international designer, actress at philanthropist si Jocelyn, kaya naman kaabang-abang ang susuutin nitong gown na siya mismo ang gumawa.


Matatandaang  inanunsyo ng Miss Universe Organization noong nakaraang taon  na tinatanggal na nito ang age restriction sa patimpalak simula ngayong taon at lahat in any age ay puwede ng sumali.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "