RAMPA the newest and hottest drag club sa Bansa
Ang makapag bigay saya, pang world class na show at trabaho sa mga kababayan nating Drag Queens ang main reason kaya naisipan ni RS Francisco ( Frontrow ) kasama ng mga co-owners nito na sina Cecille Bravo ( Businesswoman ), Ice Seguerra ( Singer ) , Liza Dino-Seguerra ( Actress ), Loui Gene Cabel ( Businessman ) at The Divine Divas na binubuo nina Precious Paula Nicole, Viñas De Luxe at Brigiding ang RAMPA.
Ito daw ang magiging tahanan ng mga talented Drag Queens na gustong ipakita ang kanilang naiibang talento at kahi't sino daw ay welcome sa RAMPA ayon ka'y RS.
Maging ang Drag Queen na si Pura Luka Vega ay welcome na welcome ding mag perform dito.
Tsika nga ni RS “Alam mo, okay ako kami sa lahat. Walang masamang tinapay para sa akin. Ganu’n naman iyan, alam n’yo naman iyan lalo na sa mga press friends ko, walang masamang tinapay sa akin.
“Go! Basta you know kung ikabubuti, ikaso-showcase ng talent niya, ipapakita and all that, go!”
Pero panigurado daw na magpeperform si Pura Luka sa Rampa ay hindi na bito gagawin pa ang controversial Nazareno at “Ama Namin” act na naging dahilan para ma persona non grata sa iba`t-ibang bayan sa Pilipinas.
“I don’t think gagawin pa niya yan, eh. Kung ako ang tinatanong mo… you know, kasi wala po ako dun, eh. “
“ Wala po ako dun and marami rin kasi talagang cameras ngayon, maraming nagka-capture and all. “
Dagdag nito “Isasalungat ko lang nang konti, ililihis ko lang nang konti. Parang yung mga play po namin sa UP. Meron po akong play sa UP called LIVE AIDS. Na pinapanood po yan ng mga executives from ABS-CBN, from GMA, pinapanood po yan.
“And pasalamat po, wala pang camera nang mga panahong yun. Kasi, ang dami naming pinag-uusapan na mga ganu’n-ganu’n.
“Usap kami about this, about this politician, about this ganito, about this model, about this artista, and all. And baka na-taken out of context. Hindi ko po alam kasi wala po ako du’n. At nakita ko lang, three seconds kay Pura Luka Vega. “
“So, wala po ako sa posisyon na mag-comment about that. Yung ginawa niya and all, if that’s his art, kasi, yun yata yung pinu-push niya, eh, even up to now, eh “
“It’s his art. If that’s his art, wala po akong magagawa. I respect everyone’s expression of Art. “
“But if let’s say, ang government, ang ibang tao, hindi matutuwa, well, that’s their ano na. Kumbaga sa akin, respeto lang sa akin kung ano ang art nila. “
Ang Rampa ay magkakaroon ng bonggang soft opening today January 17, kung saan dapat abangan ang mga Drag Queens na magpe perfom ng araw na iyon, basta ang panigurado nito na mag eenjoy ang mga pupunta dito sa magagandang production numbers, sa food at sa magandang serbisyo ng RAMPA.
Comments
Post a Comment