Shira Tweg proud na makasama sa 3-in-1 si Diamond Star Maricel Soriano


Bongga showbiz career ng newbie actress & singer at alaga ng kaobigan naming si Bambbi Fuentez  na si Shira Tweg pag pasok ng 2024 dahil kasama ito ss  NET25 sitcom titled 3-in-1.

Kung saan makakasama nito ang isa sa pinakamahusay na aktres sa bansa at tinaguriang  Diamond Star na si Ms. Maricel Soriano at ang Quizon brothers na sina Direk Eric Quizon, Epy Quizon, Vandolph Quizon with  Boy2 Quizon, at marami pang iba.


Gagampanan nito sa 3-in-1  ang role bilang si Carmel, ang anak ni Rina na ginagampanan naman ni Donna Cariaga.

Ito ang magsisilbing kauna-unahang malaking progekto ni Shira simula ng mag sign siya sa Net 25 at nagpapasalamat daw ito sa pamunuan ng nasabing istasyon sa malaking break na binigay sa kanya.


Ang istorya ng 3-in-1 ay tungkol sa magkakapatid na hindi magkasundo, pero kailangan nilang magsama-sama sa isang bahay para tuparin ang mga huling habilin ng yumao nilang ama.

Ang 3-in-1 ay mula sa direksiyon nina  Eric at Epy Quizon at mapapanood tuwing Linggo, alas otso ng gabi, sa NET25.




Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "