Winner tayo lahat dito! BAGONG PUBLIC SERVICE SHOW NA “SI MANOY ANG NINONG KO,” MAGSISIMULA NA
Ma-inspire sa mga kwento ng pag-asa, katatagan, at modern day “bayanihan” sa pinakabagong public service program na “Si Manoy ang Ninong Ko” simula Linggo (March 3) on GMA.
Pinangungunahan ang programa ng hosts na sina Gelli de Belen, Patricia Tumulak, Sherilyn Reyes-Tan, at Manoy himself, dating businessman at ngayon public servant, Agri Party-list Rep. Wilbert T. Lee.
Ayon kay Manoy Wilbert, tampok sa “Si Manoy ang Ninong Ko” ang mga “tunay na kwento ng ating mga kababayan na siyang magbibigay inspirasyon sa atin para lalo tayong magsumikap, na hindi tayo mawalan ng pag-asa.”
“Ano mang problema ang ating kinakaharap ay tiyak na malalampasan sa tulong ng ating komunidad at mga kapwa Pilipino na sa kaibuturan ay may malasakit para sa bawat isa.”
Pagbabahagi naman ng veteran actress na si Gelli, “Iyong mga problema nila na kailangan nila ng tulong, hindi siya 'yong usual na kailangan ng pera o pagkain, ang kailangan talaga nila ay ang nakakatulong sa mga trabahong ginagawa na nila.”
Linggo linggo, dalawang beneficiaries ang itatampok ng programa at personal na pupuntahan ng hosts para kapanayamin at harapang alamin ang kanilang mga hinaing.
“Sometimes they just want to be seen and heard. Yung marinig lang natin ay malaking bagay at tulong na para sa kanila. Pero syempre di tayo hihinto riyan. Mabusisi nating aaralin ang bawat sitwasyon at susubukan nating bigyan ito ng pangmatagalang mga solusyon,” sabi ni Patricia
Idiniin din ni Sherilyn na “Hindi natin sino-solve ang problema nila at the moment. Binibigyan din natin sila ng hope at chance na itaguyod ang kanilang pamilya o sarili nila. Kumbaga long term talaga at hindi kung ano lang yung mabigay ngayon iyon na.”
Sa darating na pilot episode nito, pakikinggan at tutulungan nina Manoy Wilbert, Gelli, Patricia at Sherilyn ang mga onion farmer ng Pangasinan, pati na rin ang volunteer sea guardians ng Orani, Bataan.
Huwag palalampasin ang simula ng “Si Manoy ang Ninong Ko” ngayong Linggo (Mar 3), 7 AM, sa GMA. Para sa updates, i-follow ang @simanoyangninongko sa Facebook o ang @AngNinongKo sa Tiktok at Instagram.
Comments
Post a Comment