Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating
Kamukha ng yumaong aktor na si Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na bida sa kaabang-abang na romantic drama movie na
" When Magic Hurts " ng REMS Entertainment Productions at sa Direksiyon ni Gabby Ramos.
Katulad ni Rico, maamo at napaka-ganda ng mukha ni Beaver, bukod sa pareho din silang mahusay umarte at nagtataglay ng magandang ngiti.
At kahi't nga baguhan sa mundo ng showbiz ay may lalim na itong umarte at napakaganda ng PR sa mga entertainment press, kaya naman mabigyan lang ng magagandang proyekto ito ng ABS CBN ay di malabong sumikat ito katulad ni Rico.
Kung saan sa When Magic Hurts ay nagampanan nito ng buong husay ang kanyang role na ginampanan bilang si Ernest.
Kasama ni Beaver bilang bida sa " When Magic Hurts " ang kanyang kapwa Star Magic Artist na sina Mutya Orquia at Maxine Trinidad na pareho ding napaka-husay sa nasabing pelikula.
Saludo nga daw ito sa kanyang leading ladies na sina Mutya at Maxine, dahil parehong mahusay umarte at parehong napakasarap katrabaho.
Nagpapasalamat din ito sa kanilang Direktor ( Gabby Ramos ), dahil ginabayan siya para magampanan niya ng maganda ang role na ibinigay sa kanya.
Makakasama nina Beaver, Maxine at Mutya sa When Magic Hurts ang mga de-kalibreng artista na sina
Claudine Barretto, Dennis Padilla, Soliman Cruz, Aryanna Barretto, Archie Adamos, Angelica Jones, Aileen Papin at marami pang iba.
Mapapanood sa mga si sinehan nationwide ang " When Magic Hurts " sa Mayo.
Comments
Post a Comment