Launching ng awiting Misteryo ni Yza Santos matagumpay
Magiging abala ang tinaguriang OPM Pop Classical Princess na si Yza Santos sa loob ng dalawang linggo dahil sa wakas ay na-launch na ang debut single na "Misteryo" na mula sa kompisisyon ng beterano at awardwinning songwriter na si Maestro Vehnee Saturno.
Two weeks lang daw ang magiging unang promotion ni Yza ng kanyang song dahil kailangan nitong bumalik sa Australia kung saan siya nag aaral at naninirahan, kaya naman nakatakda itong mag guest sa ilang radio programs sa basta, Online shows atbp.
Kasabay nga ng launching ng kanyang song na Misteryo ang pag labas ng kanyang music video.
Nagpapasalamat daw si Yza kina Maestro Vehnee Saturno na kanyang composet at Ladine Roxas- Saturno na kanyang voice coach/mentor na pareho ding humahawak sa singing career ni Yza at sa kanyang very supportive mom na si Tita Marissa Santos.
Pangarap daw ni Yza na makagawa ng pangalan sa mundo nais gumawa ng pangalan sa industriya ng musika sa bansa katulad ng kanyang mga iniidolong sina Lea Salonga at Lani Misalucha.
Naniniwala ang mahusay na composer na si Maestro Vehnne na sa ganda ng boses ni Yza at sa dedikasyon nito sa kanyang trabaho ay malayo ang mararating nito sa local music industry
Comments
Post a Comment