Miss Lipa Tourism 2024 isinusulong ang slogan na Eat, Pray, Love Lipa....Ganda ng Lipa City, Batangas ibibida sa buong Mundo!
15 beautiful and lovely candidates mula sa iba't-ibang lugar sa Lipa City, Batangas ang maglalaban-laban para masungkit ang korona at tanghaling Ms. Lipa Tourism 2024.
Kung saan bitbit ng 15 candidates ang kanilang angking ganda, talino at adhikain na mas ma-promote ang turismo ng Lipa city, Batangas sa pamamagitan ng slogan ng bayan ng Lipa City na Eat, Pray, Love Lipa.
Ayon nga sa President ng Lipa Tourism Council at CEO ng Bigben Complex na si Mr. Joel Umali Peña sa ginanap na presscon ng Miss Lipa Tourism 2024 na ginanap sa Solano Hotel kamakailan, na isinusulong nila ang kanilang tourism campaign na Eat, Pray, Love Lipa para mas makilala ang kanilang napakagandang bayan na hitik ng mamagandang lugar, masasarap na pagkain at magagandang establisimyento at simbahan,di lang sa buong Pilipinas kung hindi maging sa buong Mundo.
" In behalf of Mayor Eric Africa, our Council Tourism Council and councilor Vinece ( Manalo ) at ng mga taga Lipa, kami po ay masaya kasi po, ang aming future na nilo-look forward too, ay ang pagpo-promote talaga ng aming hashtag or ang aming tourism campaign na Eat, Pray, Love Lipa, gusto namin mapakita sa mga kababayan namin at sa buong mundo na kami ay happy dito, Eating, Praying and Loving, "
" Explain ko po ng further, ang ibig sabihin ng hashtag na Eat, Pray, Love na actually po ay galing sa ama ng bayan na si Mayor Eric Africa na gustong-gusto namin i-promote, so pag tinanong kami ng mga bisita at masasayang Lipeño, ano nga ba ang mga mapupuntahan sa Lipa? O anong magagawa? "
" Dati po ay litong-lito kami, matagal na po ako sa tourism dito kaya napakadali na nitong sagutin, aba ! you can eat in Lipa, we have this Lomi, yung Goto, tandaan niyo po sa Pilipinas at sa buong mundo as in a life time until now ay kami po ang legit na coffee capital of the Philippines, "
" Bukod sa marami pong makakainan sa amin, puwede dito ang mga national brands atsaka mga local, and then of course you can Pray, meron na kaming nickname na we are the little Rome of the Philippines and hindi lang po yun inclusive, hindi po namin isinasantabi ang aming mga kapatid sa pananampalataya ng Muslim, Iglesia ni Kristo at mga Christians, kami po ay isang dambana ng pananampalataya kung ano man po ang iniisip nila sa diyos.
" At ang huli po ay Love, sa Eat, Pray Love Lipa, ino-offer po namin dito na meron po kaming world class shopping center like national branch ng SM at Robinsons, at yung malilit pong local, community and street malls, meron din kaming mga tindahan, at yung pinagmamagaling naming sobra kung saan po kami namulat, ay sa amin pong Lipa City Market, pinagmamagaling po namin ang aming palengke, "
" At marami po kaming health and wellness centers ,kagaya ng world class na Farm at San Benito etc. i-google po niyo marami po kayong mapupuntahan dito, huling-huli po sa love aspect ay nandidito po ang aspect na bonding with family and friends at actual na bigay ni Lord na meron po kaming Taal Lake ng Lipa City, makikita niyo yung Taal Volcano in the lake at Malaraya Hill sa aming napakasariwa at malamig na hangin "
" So yun po, Eat, Pray, Love Lipa . Were looking for sa mga projects namin na naka-anchor sa Eat Pray, Love Lipa, foundation day, fiesta, sa amin pong October na Lipa Anniversary at meron pa kaming pinagmamagaling, kasi yung People Power na inyong pagkakaalam ay original ng Lipa nung kapanahunan ng mga Kastila, i-google niyo po yan at makikita niyo,
At nagsisilbing tahanan na rin daw ito ng ilang maniningning na bituin sa telebisyon at pelikula katulad nina Kuya Boy Abunda, Nino Muhlach, Aga Muhlach, John Prats, Sharon Cuneta, Coco Martin. Tirso Cruz III, Gretchen Barretto na may mga rest house at ang iba ay may negosyo sa Lipa ,
Ang Star for All Seasons na si former Lipa Congresswoman Vilma Santos, Luis Manzano, Senator Ralph Recto, Jayson Gainza, Alex Gonzaga na asawa ng butihing Lipa Councilor Michael Gerald Morada, Howie Severino at marami pang iba.
Ang Miss Lipa Tourism 2024 ay sa pangunguna ni
Mayor Eric B. Africa
Lipa City Mayor (LGU)
Honorary Chairman, Councillor Venice Manalo
City Councillor Lipa City (LGU) Head of LGU Tourism Committee, Chairman, Joel Umali Peña President
Lipa City Tourism Council (NGO)CEO of Big Ben Complex, co- chairman,
Aylene Gante Acorda
OIC Tourism
Lipa Community Affairs (LGU), Over all in charge of Productions at Luisito Nario LTN Productions
Private, Project Director.
Ang 15 candidates na maglalaban-laban sa korona bilang Miss Lipa Tourism 2024 ay sina Charlene Mendoza ( Brgy. Sto Niño, Jorg Daniela Macalincad ( Brgy. 3 ), Joyce Carmela Angedan ( Dagatan ), Patricia Basañes ( Sabang ), Clarissa Daniella Ching ( Tambo ), Maricon Anne Bautista ( Sico ), Kate Danielle Morales ( Sabang ), Angela Nicole Araña ( Banay-Banay ), Ma Gweyneth Padilla ( Balintawak ), Louvel Joyce Leal ( Marawoy ), Joey Anne Chavez ( Sampaguita ), Patricia Ann Gonzales ( Lodlod ), Bless Hermie Lamang ( Tambo ), Abegail Caraig ( Rizal ) at Athea Francesca Manigbas ( Bagong Pook ).
Kasabay ng pagpapakilala ng mga kandidata ng Miss Lipa Tourism 2024 ang launching ng official Jingle at music video ng Miss Lipa Tourism na inawit ng mahusay at multi-awarded recording artist na si Faith Cuneta, na sinaliwan ng musika ni Elmer Blancaflor at sa lirika ni Tourism Council President Joel Umali Peña.
Ilan sa magagandang lugar at establisimyento sa Lipa City na ipinagmamalaki ng kanilang bayan ang Milea Bee Farm. Our Lady of Mt. Carmel Church, Casa De Se Gunda, San Sebastian Cathedral, The Old Grove Farmstead, S&R membership shopping, Museo ng Katipunan, Peace Tower, 3C's Place, Bulalacao Falls, Pinkies Farm, Lipa Public Market, Metropolitan Cathedral of Saints, Lipa City Community Park, atbp.
Samantalang ilan naman sa ipinagmamalaki nilang pagkain at produkto sa Lipa City ay ang napakasarap na Lomi , Bulalo, Goto. Kapeng Barako, Honey, Tsokolate Tablea, Bikong Batangas, Sinigang na Maliputo, Panutsa, Sinaing na Tulingan at marami pang iba.
At kami mismo ang makakapagsabi sa sarap ng pagkain ng Lipa City at ipatikim sa amin ng Tourism Council President na si Joel Umali Peña ang mga pagkain mula sa Oldest serving restaurant sa Lipa City na ‘Hapag Filipino Restaurant’ sa kanilang mix Filipino and Spanish food, ay sa napamasarap na Lomi na natikman namin mula sa Panciteria na naitatag ng 1968 na matatagpuan sa kanilang lumang palengke, at sa dinadayo at talaga namang napakasarap na mga croissant na mula sa Ijo Bakery na matatagpuan sa Big Ben Mall.
Ang coronation night ng Miss Lipa Tourism 2024 ay gaganapin sa June 15, 2024. Kaya naman halina't saksihan ang coronation night ng Miss Lipa Tourism 2024, tikman ang masasarap na pagkain at libutin ang ganda ng bayan ng Lipa City, Batangas!
Comments
Post a Comment