Bless Hermie Lamang kinoronahang Miss Lipa Tourism 2024 dahil sa ganda at Talino


Beautuy and Brain ang itinanghal na Miss Lipa Tourism 2024 na mula sa Brgy. Tambo na si Bless Hermie Lamang na ginanap sa Lipa Plaza
Independencia. Hosted by Kitt Cortez at Joy May Anne Barcoma.

Kasabay ng coronation night ng Miss Lipa Tourism 2024 ang pagdiriwang ng ika—77 taon ng Lipa bilang city at ika-419 founding anniversary. 

Isang napakalakas na hiyawan at palakpakan ang ibinigay ng mga taong nanood ng coronation night sa naging sagot ni Bless sa katanungan na siyang nagpanalo dito

At ang nasabing katanungan ay " What makes Lipa City unique compared to other cities in the Philippines?" 


Na sinagot nito ng, "We Lipeños have managed to honor our present and past history and at the same time embrace modernization. That's why we Lipeños should patronize and embrace our rich culture, heritage, and history because sa kakaibang ganda ng Lipa, kasaysayan, at kaunlaran ang iyong masisilayan". 

Bukod nga sa titulong Miss Lipa Tourism 2024 ay nakuha din nito ang dalawa sa major awards ang Best in Swimsuit at Best in Evening Gown.


Itinanghal namang 1st runner up si Gweyneth Padilla ng Brgy Balintawak, 2nd runner up si Abby Caraig ng Brgy Rizal, 3rd runner up si Clarissa Daniella Ching ng Brgy Tambo, at 4th runner up si Patrici Basanes ng Brgy. Sabang.




Nagsilbing hurado naman ng gabing iyon sina  Yllana Marie Aduana (Miss Earth Air 2023, Chairperson ng Board of Judges, Rina Maier, Luke Conde, Nathaniel Tiu (Mister Earth Philippines 2023), Jefferson Rivera, Dennis Santos, at Christine Dayrit.




Ang Miss Lipa Tourism 2024 ay inorganisa nina Councilor Venice Manalo (chairman, Committee on Tourism) at Joel Pena (President ng Lipa City Tourism Council) sa tulong ni Lipa Mayor Eric Africa kasama ang kanyang mga iba pang konsehal.




Ilan sa naging sponsors ng 
Miss Lipa Tourism 2024 ang Big Ben Complex kasama ang Go Bamama, Tess Marias Rotisserie, Jorge’s Casa de Sansrival, Siomai King, Big Ben Lipa, Perfected Skincare, Frontrow Big Ben Lipa, at Ijo Bakery.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "