David Licauco maraming natutunan sa pag arte ka'y Barbie Forteza

     


Grabeng kilig ang hatid ng kauna-unahang pelikula ng tambalang Barbie Forteza at David Licauco na " That Kind Of Love "  produced by Pocket Media Productions, distributed by Regal Entertainment sa direksiyon ni Catherine Camarillo.

Sa naganap na grand mediacon ng " That Kind Of Love " ay sinabi nina Barbie at David na malaking factor sa tagumpay ng kanilang loveteam ang pagiging malapit nilang magkaibigan kaya wala silang ilangan pagdating sa mga sweet na eksena sa mga proyekto nilang pinagsasamahan.


Pag amin nga ni David na marami siyang natutunan ka'y Barbie pagdating sa pag arte dahil alam naman nito kung gaano kahusay na artista si Barbie.

At habang tumatagal daw ay nakikita ni Barbie ang growth ni David  bilang actor , mas lalong humuhusay daw ito ngayon na mapapanood sa That Kind Of Love at sa GMA serye na Pulang Araw.


At sa pelikulang " That Kind Of Love " ay triple kilig daw ang mararamdaman ng manonood kina Barbie at David  kumpara sa mga nauna nitong mga proyekto lalo na ang ilan sa mga eksena dito ay kuha pa sa ilan sa romantic place sa Korea.

Kaya naman bukod sa ganda ng movie ay makikita din dito ang magagandang lugar sa Korea na napanood natin sa mga hit Korean Novela na pinalabas dito sa Pilipinas.



Makakasama nina Barbie at David sa " That Kind Of Love " sina Divine Aucina, Al Tantay, Arlene Muhlach, Jef Gaitan, Ivan Carapiet at Kaila Estrada. 

Ang " That Kind Of Love " ay mapapanood na sa July 10 in Cinema's Nationwide.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "