Cong. Sam SV Verzosa namigay ng Negosyo sa 100 katao





Bumaha ng luha sa labis na kasiyahan ang 100 Filipino na nabigyan ng negosyong siomai food cart na Handog Pasasalamat ni Cong. Sam SV Verzosa na ginanap sa MLQU QUARANTINE
F.R Hidalgo St., Barangay 393, Quiapo, Manila.


Sa mismong selebrasyon ng kanyang kaarawan sa kanyang top rating tv show na Dear SV na napapanood tuwing Sabado ng 11:30 am sa GMA 7 naganap ang pagbibigay ng negosyong pangkabuhayan.


Kaya naman di naiwasang maiyak ng mga taong nakatanggap ng negosyong pangkabuhayan na galing ka'y Cong. Sam. Maging ang host, public servant & philanthropist ay naluha rin sa nakikita niyang kasiyahan sa mga taong nabibiyaan niya ng negosyo.

Negosyo nga daw ang naisip na ibigay ni Cong. Sam dahil pang long term daw itong mapapakinabangan  depende na rin sa pagpupursigi ng mga ito na mapalago ang pang umpisang negosyong ibinigay sa kanila ni Cong. Sam.


Ito rin daw ang way ni Cong. Sam para ibalik ang pasasalamat sa Diyos sa dami ng blessings na ibinibigay sa kanya, ang makatulong sa mga taong hirap sa buhay  at nangangailangan ng tulong.


Nasorpresa din si Cong. Sam sa pag punta ng kanyang GF na si Rhian Ramos na nagsilbing co-host nito ng araw na iyon, di daw nito inaasahan ang pagdating ng GF. Ayon nga ka'y Rhian suportado niya 100% si Sam sa mga charities na ginagawa nito, dahil alam daw nito na ibang saya ang nakukuha ni Sam sa pagtulong.


Sa ngayon daw ay pinag aaralan ni Cong. Sam ang hiling ng mga taong tumakbo siya bilang Alkalde  ng Kalakhang Maynila.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "