Cong. Sam SV Verzosa pinabulaan na babanggain si Isko Moreno sa 2025 Election


       

Pinabulaanan ng TV host ( Dear SV ) at Tutok To Win Partylist Representative 
Sam SV Verzosa ang kumakalat na issue na babanggain niya sa darating na 2025 Elections sa pagka Alkalde ng Manila ang actor at dating Alkalde ng Manila na si Isko Moreno na sinasabing siyang pinaka mahigpit nitong makakalaban sa darating na Eleksyon.

Ayon ka'y Cong. SV hindi daw totoo ang nasabing issue dahil imbes daw na pagtuunan ng pansin ang issue tungkol sa kung sino ang mahigpit niyang kalaban sa pag takbo ay mas gusto nitong tumutok na lang sa pagtulong sa kanyang mga kababayan sa Kalakhang Maynila.


Pareho naman daw sila ni Isko ng adhikain  ang makatulong at maiahon ang mga taga Manila sa kahirapan.



Kuwento nga ni Cong. SV sa kanyang  " Driven To Heal Charity Event " kamakailan  kung saan nag benta ito ng kanyang 10  super cars na umabot ng lagpas 200 Million ang  napagbentahan  para sa magpapatayo ng kanyang  Dialysis  and Diagnostic Center sa Sampaloc Manila kung saan siya lumaki at nanirahan. " Ilang beses na rin kaming magkasabay sa mga awards night. Minsan sabay kaming naparangalan noong naging mayor siya. Nagkasabay din kami noong may mga itinayo akong eskwelahan para sa mga kabataan noong pandemic, pumunta siya. May picture kami na magkasama kami ni Isko."




“Masaya ako na nakilala ko siya. Ako naman ay panibagong pagtulong ito. Ang tawag dito ay malawakang pagtulong. Wala tayong ibang gagawin kundi puro kabutihan,”


Dagdag pa nito " Naging congressman ako tapos ngayon, nakakapagsilbi pa ako sa buong Pilipinas. Nagpunta na ako sa iba’t ibang bansa, nagbukas ng iba’t ibang negosyo.


" More than 20 years na po tayong nasa negosyo. Sabi ko nga, nakapunta na ako sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, "





“Nagkaroon ng mga ganitong klaseng international companies so wala na akong mahihiling pa. I am just grateful. Hindi ko naman pinapapunta sa ulo ko. Ang nasa utak ko lang, kailangan i-share ko ito sa mas marami."


“To whom is much given much is expected so talagang ibinibigay ko yan, una, sa pamilya ko, sa mga kamag-anak, sa mga humihingi ng tulong, sa mga kapitbahay, hanggang sa mga kasama sa kumpanya." 


“Hanggang mapunta sa iba’t ibang mga nangangailangan sa ospital, simbahan, lahat ng charities halos sa Pilipinas, naging partner na namin. Hanggang sa charities sa animals,” 



 “ Dito ko naisip na, it’s not just about charity and giving but inspiring and teaching. That’s the formula I know to succeed, which is as simple as paying it forward.


" Maging mabait ka sa kapwa mo, tumulong ka kapag kaya mo, at magugulat ka na lang sa huli, bumabalik sa iyo yun ng ten folds. "


Nagpapasalamat din si Cong. SV sa kanyang business partner sa Frontrow na si Raymond RS Francisco na siyang naghikayat na tumulong sa ating mga kababayang kapos sa buhay na siya ngayong kanyang naging adbokasiya.

Bukod nga sa itatayo nitong Dialysis at Diagnostic Center sa Sampaloc ay pangarap din nitong malagyan ng Dialysis at Diagnostic Center at marami pang magaganda at kapaki-pakinabang na  proyekto  ang buong Kalakhang Maynila kung papalarin siyang manalo bilang Alkalde ng Maynila.



Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "

Philippine’s “Trans Dual Diva” Sephy Francisco This Is Me Sephy concert sa January 26 na!