Magic Voyz masaya sa success ng kanilang Viva Cafe Concert
Masayang-masaya ang Magic Voyz na kinabibilangan nina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones , Asher Diaz at si Johan Shane sa big success ng kanilang concert na ginanap last Oct. 27 (Sunday) sa Viva Café, Araneta Center Cubao Quezon City, kung saan punong-puno ang venue kahit na nga ba kasabay nila ang concert ng SB19 sa Araneta Coliseum. Ayon sa pinakabagong titilian at kakikiligang all-male group na happy sila sa sobrang daming taong nanood sa kanilang concert, habang ang iba ay naki-kanta at naki-sayaw sa kanila. Kaya naman daw sulit ang araw-araw nilang pagre-rehearse, umulan man o umaraw na halos magka-sakit na sila, dahil sa dami ng papuri na nakuha nila after the show, kaya naman pangako daw nila na mas paghuhusayan pa nila sa mga susunod pa nilang shows at concerts. Ayon naman sa CEO President ng LDG Productions at matalik naming kaibigan na si Lito De Guzman na siyang humahawak sa career ng Magic Voyz na pinagpa-planu