JMRTN magsosolo na at iiwan ang RetroSpect?
Mula sa pagiging member ng sikat na grupong RetroSpect ay nag desisyon ng mag solo ang singer, composer, director & producer na si JMRTN.
Kuwento nga nito sa kanyang presscon na ginanap sa Pandan kamakailan " Sa totoo lang, I decide to go solo due to economic reasons."
" I need to go afloat and since this is the only thing I do best, might as well go solo,”
Pero hindi naman daw dahil nag solo na siya ay iiwan na niya ng tuluyan ang kanyang grupo at magkakanya-kanya na sila.
“Hindi naman ayawan. Hindi kami umayaw. I’m the leader of the group, I’m the manager and chief composer of the group. Whenever we come up with an album, ako ‘yung producer ako rin ang composer.
Bukod kay Lani ay gusto din nitong maka-collab ang mahusay na singer sa kanyang henerasyon na si si Maki “Gusto ko si Maki because parang wala siyang ginagaya. When we came out in the ’90s kasi wala rin kaming ginaya.
“We were just who we are, sa music namin, sa image namin wala kaming ginaya, like Aegis, Jeremiah, Freestyle, we have unique sounds na parang hindi mo na iisipin kung sino nga ito ulit.
" Ganun for me si Maki because original is still the best,”
At ngayon nga ay may collab sila ng mahusay na singer at tinaguriang Asia' Nightingale na si Lani Misalucha sa awiting Iisa Lang na si JMRTN ang nag compose at hatid ng Godspeed Music, released by Star Music.
Bukod sa kanilang collaboration ay magkakasama sina JMRTN at Lani sa Bar IX sa Molito, Alabang on November 14 at sa Bar 360 sa Newport World Resorts on November 15.
Habang sa October 11 naman ay magkakaroon ng solo show si JMRTN sa Bar 360 at magiging pecial guest performer din siya sa upcoming M.A.D.Z. Festival sa October 12 at the Ninoy Aquino Stadium at sa “Rated GIGI 2.0” concert ni Gigi De Lana & Gigi Vibes sa Guam, USA on November 23.
Comments
Post a Comment