Tom Rodriguez walang balak i-deny ang 4 month old baby
Hindi naging maramot at napaka generous ng kapuso actor at isa sa lead actor ng pelikulang " Huwag Mo Akong Iwan " na si Tom Rodriguez sa pagbabahagi tungkol sa kanyang four-month old baby boy ( Korben ).
Ayon nga ka'y Tom sa Grand Presscon ng Huwag Mo Ko Iwan na ginanap sa Manila Hotel last Nov. 12, na napakasarap daw sa pakiramdam na maging isang ama.
At para sa mahusay na aktor ang pagkakaroon ng anak ay may malaking impact sa kanyang personal at showbiz life. “It’s everything. It’s the very reason why I came back.
“Everything I go through, iniisip ko, 'How will I want to teach him this? Paano ko ito sa kanya. "
“Everything na nangyayari sa akin, parang may filter na ganoon, ‘Lord! "
“Like, hindi ‘yung ano, 'OK, how do I get through this?' No. 'What can I learn from this to be able to pass it down to him?'
Mas gusto na nga daw nitong mag stay sa Amerika, pero may mga projects pa siya na dapat gawin.
“So, even coming back, kasi ang sarap ng… parang kuntento na ako sa buhay ko roon sa Amerika, and yet I have contracts and obligations that I need to take care of here.
“So, may part sa akin na ayoko nang bumalik sana.
“And yet I would like to show him that I can finish things that I’ve started, and parang set a good example.
“So that’s all I can do for now. So everything that I do, he really is in my mind.”
At kahi't kailan daw ay hindi sumagi sa kanyang isip na i-deny ang pagkakaroon ng anak,dahil ayaw daw nito dumating yung time na mabasa o mapanood ng kanyang anak ang kanyang interview na idenenay niya ito.
“I wouldn’t want that for me as well. So I wouldn’t want him growing up na ‘yun din ang mararamdaman niya.
“I’m very proud, I’m very happy… I learned now, biggest learnings from the past few years of my life, that you really have to ano...
“I love to work, I’m very thankful for it, and I love the industry. "
" Pero you do need now the reason. Para sa kanya rin ‘yun.
“It’s something I wanna pass down to him. I wanna teach him to have proper boundaries between your main life and your professional life.”
Makakasama ni Tom sa " Huwag Mo Kong Iwan " sina Rhian Ramos , JC De Vera, Rita Avila, Pinky Amador Emilio Garcia, Jim Pebanco Simon Ibarra, Lloyd Samartino, Nella Dizon Felixia Crysten, King David atbp.
Mapapanood na ang " Huwag Mo Akong Iwan " sa mga sinehan nationwide simula Nov. 27, hatid ng BenTria Film Productions ni Engr. Benjamin Austria sa Direksiyon Joel Lamangan.
Comments
Post a Comment