Ahon Mahirap: Isang Adbokasiyang Grupo ng Nagnanais Mapawi ang Kahirapan sa Pamamagitan ng Katarungang Panlipunan, Karunungang Pinansyal, at Pang -ekonomiyang Pagapapaunlad

 


Ang " Ahon Mahirap Partylist " na isang adbokasiyang grupo, ay buong pagmamalaking inihahayag ang kanilang misyon na labanan ang kahirapan  at iangat ang buhay ng milyun-milyung Pilipino sa pamamagitan ng Komprehensibong agenda at mga programang nakatuon sa katarungang panlipunan,karunungang pinansyal, at pang ekonomiyang pagpapaunlad.


Tatlong Pangunahing Inisyatiba ng Ahon Mahirap

1. Financial Literacy- Ang Financial Literacy ay isang mahalagang aspeto ng pamunuhay na dapat taglayin ng bawat mamamayan. Layunin ng prpgramang ito na turuan ang mga Pilipino ng tamang pamamahala ng kanilang pananalapi upang matiyak ang kanilang kinabukasan. Sa pamamagitan ng mga seminar at workshop, tinutulungan namin  ang pamilya na mag budget, mag ipon, at mag invest nang maayos.  Isusulong din natin bilang legislative agenda ng maisama  ang Financial Literacy sa curriculum sa elementarya.

2. Economic Empowerment- Ang economic ay nakatuon sa pagbibigay ng sapat na oportunidad sa mga komunidad upang umangat sa buhay . Sa pamamagitan ng pagsasanay sa entrepreneurship,  pagbibigay at pagtuturo ng mga sustainable livelihood programs, tinutulungan natin ang mga pamilya na magkaroon ng matatag na kabuhauan at sariling kita

3. Social Justice - Ang Social Justice ay isa sa sa mga pangunahing adbokasiya ng Ahon Mahirap. Naniniwala sa pantay- pantay na oportunidad at equal access sa mga program ng gobyerno para sa lahat. Pagsulong ng mga batas at patakarang nagtataguyod ng pagkapantay-pantay at katarungan sa lipunan. Isa na rito ang No Age Limit Policy sa pag-aapply ng trabaho kung saan lahat ng mga kakayahan ay maari pa ring makapagtrabaho na hindi nakabase sa edad o sekswalidad . Tinitiyak namin ba ang karapatan ng bawat mamamayan , lalo na ng mga nasa lay layan , ay napoprotektahan at nabibigyan ng pantay na oportunidad.




Mga Nominee ng Ahon Mahirap

1. Wilbert Tolentino- Isang kilalang pilantropo, negosyante,  talent manager at social media influencer. SI wilbert Tolentino ay aktibong sumusuporta sa iba't ibang charitable causes at naglalayong mag empowered ng mga disadvantaged communities at mga nasa lay layan. Nagawaran ng pinakamataas na parangal mula sa Rotary Club, ang Arch Klump Society at kinilala rin bilang isang matagumpay na businessman. Siya rin ang chairman ng Ahon Mahirap.

2. Mayor Ike Ponce- Ang kasalukuyang mayor ng Pateros mula 2019 hangang kasalukuyan. Kilala si Mayor Ponce sa kanyang dedikasyon sa paglilingkod sa bayan at sa malinis at maunlad na pagpapatako ng kanhang masasakupan

3.. Erim Ortigas- Dating flight attendant at isang OFW. Ngayon ay isa na ring Business Marketing expert.

 4. Kristine Caballero-Aplal- Dating beauty queen at ngayon ay General  Manager ng Miss Asia Pacific International . Isang huwarang ina at lider ng community sa Quezon City. Tumatayo bilang Presidente ng Ahon Mahirap.

5. Rico Alnonicar- Isang Ama at natagumpay  na businessman.

6. Angelo Zipagan- Isang Musikero at negosyante. Secretary General ng Ahon Mahirap.

7. Marian Canillo- Tubong Leyte at isang successful businessman.

8. Noel Escondo- Tumatayong Deputy  Campaign Manager ng Ahon Mahirap. Isang director sa pelikula at TV.

9. Mary Latin- kilalang businesswoman at content creator.

10. Melanie Cabalida Isang Matagumpay na negosyante.





Iba Pang Programa ng Ahon Mahirap

Ahon Malasakit- Ang ahon Malasakit ay naglalayong tugunan ang iba't-ibang pangangailangan ng mga mahihirap na komunidad. Sa pamamagitan ng serbisyong pangkalusugan. Pangkabuhayan, at pang edukasyon, tinutulungan ng Ahon Mahirap ang mga pamilyang nangangailangan.

Ahon Bigas- Layunin ng programang ito na masiguro na walang pamilyang Pilipino ang magugutom. Namamahagi ng bigas sa mga komunidad na nangangailangan upang matiyak na may sapat na pagkain sa kanilang hapag.

Ahon Tindahan-  Tinutulungan ang mga malilit na negosyante na mapalago ang kanilang negosyo. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng puhunan at pagsasanay sa tamang pamamalakad ng negosyo. Sinisiguro namin na magtatagumpay ang mga tindahang ito.

Ahon Kababaihan- Nagbibigay ng mga oportunidad sa mga kababaihan upang sila ay umangat sa buhay . Kabilang dito ang mga pagsasanay , suporta at negosyo, at iba pang Inisyatiba na maglalayong bigyan ng boses at lakas ang mga kababaihan.

Bakit Kailangang Iboto ang Ahon Mahirap

Ang Ahon Mahirap ay isang partylist na naglalayong magbigay ng tunay na serbisyo sa bawat Pilipino. Sa pamamagitan ng kanilang mga programa at adbokasya, itinaguyod nila ang kaginhawaan, pagkapantay-pantay, at katarungan sa lipunan. Ang mga lider at miyembro ng Ahon Mahirap ay may  malasakit at dedikasyon sa paglilingkod, na siyang dahilan kung bakit nararapat silang iboto ng bawat Pilipino.



Para sa isang maunlad , makatarungan, at pantay-pantay na lipunan, suportahan at i-boto ang Ahon Mahirap sa darating na halalan . Sama-sama nating itaguyod ang pagbabago at pag asa para sa bawat Pilipino.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Ahon Mahirap , aming mga programa at prorekto, at kung paano makilahok, bisitahin ang aming website sa www.ahonmahirap.com at i-like ang official FB at Tiktok page @ahonmahirappartylist at IG page @ahonmahirap.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

THE FIRST PHILIPPINE FASHION PILLARS AWARD 2024

Mia Japson dream come true na makasama sa concert sina Haji, Rachel at Gino