VBank inilunsad ni Luis “Manong Chavit” Singson

 


Pinangungunahan ni
senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson  ang paglulunsad ng VBank noong Linggo, 15 Disyembre, sa Bridgetowne Destination Estate sa Eulogio Rodriguez, Jr., Avenue, Ugong Norte, Quezon City.

Ang VBank ay meron ng 6,000 plus  cash-in outlets nationwide kasama ang Tambunting Pawnshops, Puregold, at Alfamart kaya naman mas madali ang transaksiyon kahit sa malalayong lugar.

Ang VBank digital bank ay isang digital platform na makapagpapabago ng landscape ng online financial transactions sa bansa. 


Katuwang ni Manong Chavit ang  comedy queen na si  Ai Ai delas Alas sa pagpo-promote ng
 VBank digital bank na isang digital banking platform na secure at siguradong makapagpapadali sa online transactions para sa mga Filipino tungo sa pagiging financial inclusive ng bansa.

Sa pamamagitan  VBank ay makakapagbukas ka na ng 
bank account, mag download lang ng  VBank app at hindi na kailangang pumila pa at magpasa ng maraming dokumento, at maaaring makapagpadala ng pera sa lahat ng banko at digital wallets na puwedeng gamitin sa pagbabayad ng mga bills at kahit bumili ng mga mobile loads.

“Hindi lamang ito banking, ito ay inilunsad ko para mabigyan ang bawat Filipino ng kakayahan na makasama sa pagpapalago ng ekonomiya sa bansa,” sabi ni Manong Chavit na Number 58 sa Senate ballot.


Ayon nga ka'y Manong Chavit “Gagawing posible ng VBank ang makapagbigay ng mabilis at madaling financial services kahit nasaan ka man,” 

Inianunsiyo rin  nito ang “Manong Chavit’s 58 Days Milyon-milyong Papremyo” pa-raffle  na layong maipakalat pa ang magagandang features ng VBank.

Nasa 58 winners ang mag-uuwi ng P5,800 kada isa habang isang suwerteng winner naman ang makapag-uuwi ng P58,000 araw-araw at isang grand prize na P580,000 ang naghihintay para sa isang lucky user ng VBank sa 58th day.


Napakadali lang sumali, i-download lang ang VBank app, gumawa ng account at sundan ang Facebook page ni Manong Chavit para sa mga updates.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

THE FIRST PHILIPPINE FASHION PILLARS AWARD 2024

Mia Japson dream come true na makasama sa concert sina Haji, Rachel at Gino